HONESTY FRUIT STORE NG GWARDIYA, PATOK SA MASA

Read Time:1 Minute, 41 Second

Ni Sid Samaniego

NOVELETA, CAVITE: “Kumuha ka ng naaayon sa kagustuhan mo at timbangin mo ayon sa sukat na nais mo”.

Ito ang panuntunan ng isang Honesty Fruit Store sa Noveleta, Cavite na pagmamay-ari ng isang 43 taong gulang na Security Guard na si Rodney Pampag, may-asawa at 3 anak (2 babae at 1 lalake).

Dalawang linggo pa lang ang nakakaraan ng umpisahan niya ang honesty store na ito na ma-inspire ang gwardyang si Rodney sa isang honesty store sa Rosario, Cavite na kalapit-bayan lamang na patok ngayon sa mamimili.

Tanging mga prutas lamang ang kaniyang mga paninda. Tulad ng saging, ubas, pinya, pakwan, dalandan, mansanas at marami pang iba.

Kumikita si Rodney ng 750 pesos bawat araw. Dagdag kita ang diskarteng ito ni Rodney bilang kasalukuyang gwardiya ng St. Martin Hospital. Malaking tulong sa pangangailangan ng kanyang pamilya.

 

Noon pa man ay nagtitinda na rin siya ng saging. Idinedeliver niya ito sa bahay ng kanyang mga suki. “Naniniwala ako na honest ang lahat ng tao dito, sa bawat galaw at kilos nila alam nila kung tama o mali ang kanilang ginagawa”, paliwanag ni Rodney.

Self service ang istilo ng store na ito ni Rodney. Kung magkano ang halaga ng prutas, iyon ang babayaran mo. Kung may sukli man, ikaw na rin ang magsusukli sa sarili mo.

Nakasulat ang pricelist ng bawat produkto. At sa dulong bahagi nito, mababasa ang isang talata sa Bibla na mula kay Mateo 25:21.

 

“Sinabi sa kaniya ng kaniyang Panginoon, mabuting gawa, mabuti at tapat na alipin: Nagtapat ka sa kakaunting bagay, pamamahalain kita sa maraming bagay; pumasok ka sa kagalakan ng iyong Panginoon”, Mateo 25:21.

“Sa pagkakataon na ito, naniniwala akong laging nasa tabi ko ang Panginoon na palaging gumagabay sa akin”, dagdag pa ni Rodney.

Si Rodney ay dalawang dekada ng naglilingkod sa St. Martin Hospital bilang gwardiya na may kakaiba at masayang ngiti sa kanyang labi.

 

 

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %

Average Rating

5 Star
0%
4 Star
0%
3 Star
0%
2 Star
0%
1 Star
0%

One thought on “HONESTY FRUIT STORE NG GWARDIYA, PATOK SA MASA

Comments are closed.

Previous post Revolutionizing Grocery Shopping: The Rise of Next-Generation Stores
Next post DSWD, other gov’t agencies hold One-Stop-Shop for agency employees
%d bloggers like this: