
Sumali na sa Tula Táyo 2023!
Ang Tula Táyo ay isang online na timpalak sa pagsulat ng katutubong tula na itinataguyod ng Komisyon sa Wikang Filipino para sa Buwan ng Panitikan. Para sa 2023, bukás ang timpalak sa mga dalít, diyona, at tanaga na nakasulat sa wikang Filipino na pumapaksa sa kasalukuyang danas sa pandemya at tema ng Buwan ng Panitikan 2023.
Mga Tuntunin
1. Ipapaskil ang mga tula—diyona, dalít, o tanaga—sa seksiyon ng mga komento sa nakatalagang poster para sa bawat anyo ng tula. Susundin ang sumusunod na iskedyul para sa pagpapaskil:
23 Enero–5 Pebrero 2023 Dalít
6–19 Pebrero 2023 Diyona
20 Pebrero–5 Marso 2023 Tanaga
2. Magiging opisyal ang mga lahok kapag ipinaskil ito sa seksiyon ng komento ng partikular na poster para sa anyo na matatagpuan sa page ng Komisyon sa Wikang Filipino.
3. Tatanggap ng mga orihinal na tula na nakasulat sa wikang Filipino at nasa antas tudlikan. Maaaring gawing tema ang kasalukuyang danas sa pandemya at ang tema ng Buwan ng Panitikan ng Pilipinas na “Kultura ng Pagkakaisa: Pagsisiyasat sa Pamamagitan ng Panitikan.”
4. Kikilalanin ang mga nagsipagwagi sa Araw ni Balagtas sa 2 Abril 2023. May nakalaang isang libong piso (PHP1,000.00) sa sampung magwawagi para sa bawat anyo. Ipapaskil sa website ng KWF ang mga magwawagi at iba pang piling tula.
5. Pinal at hindi na mababago ang magiging pasiya ng mga hurado sa timpalak.
Related
More Stories
DSWD Secretary Gatchalian leads payout of shelter assistance, social pension in Siargao
Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian spearheaded the payout activities for the Emergency Shelter Assistance...
ASEAN to Potentially Enter World’s Top 5 Digital Economy in 2025
MAKATI CITY, Philippines (February 7, 2023) – In today's digital age, radical change is necessary to reinvent the human capital...
Lumahok sa Onlayn Talakayan hinggil sa Fieldwork sa Panahon ng Pandemya
Inaanyayahan ang mga guro, mag-aaral, mananaliksik, at kasapi ng mga katutubong pamayanang kultural ng Pilipinas na lumahok at matuto sa...
Secretary Gatchalian checks on DSWD residential care facilities in NCR
[caption id="attachment_28462" align="aligncenter" width="1024"] (Left Photo) Department of Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian talks to Reception and Study...
January Inflation Rises to 8.7 Percent
Headline inflation rose to 8.7 percent year-on-year in January 2023 from 8.1 percent in the previous month. This was above...
PH ECONOMIC BRIEFINGS IN FRANKFURT & LONDON DRAW OVER 200 BUSINESS AND FINANCIAL EXECUTIVES
More than 200 business and financial executives attended the Philippine Economic Briefings (PEBs) in Europe where Bangko Sentral...