Isang Baldadong lalaki sa Naic Cavite, nananawagan ng Tulong Medikal dahil sa kanyang Kondisyon

Read Time:1 Minute, 21 Second
Ni Rex Molines

NAIC, CAVITE: Nananawagan ngayon ng tulong ang isang concern citizen para sa kanilang kapitbahay na si sir Joey Amor, bulag at hindi nakakalakad at kasalukuyang nangungupahan sa Pasinaya Prime North Brgy. Timalan, Naic Cavite.

Nakapanayam ng Diyaryo Milenyo si sir Paolo Crame na nagpost ng larawang ito sa kanyang Facebook account. Aniya, walang mga kamag-anak na tumutulong sa kalagayan ni sir Joey kundi ang kanyang mga kapitbahay na may mabubuting-kalooban na handang tumulong para sa kagaya ni sir Joey.

Saad pa ni Sir Paolo na mayroong partner si sir Joey ngunit kasalukuyang nasa ospital ang partner nito at hindi kayang alagaan ang baldadong si sir Joey.

Dagdag pa ni sir Paolo, na may una nang nagpakilalang kapatid ni sir Joey ngunit itinanggi rin si Sir Joey ng mga nagpakilalang kapatid niya. Tinawagan pa raw ito para mag-alaga kay sir Joey ngunit nang mabatid nilang wala ng nag-aalaga sa baldaong Joey ay hindi na makontak ang mga ito.

Aniya, may mga kamag-anak na nagpakilala muli para kunin si Sir Joey at iuuwi sa probinsya nito sa Leyte.

Sa kasalukuyan, nananatili pa rin si Sir Joey sa kanyang tinitirahan sa Naic Cavite at nagbabakasaling may magbigay ng tulong para sa kanyang agarang paggaling at pagpapagamot.

“Baka may alam po kayo na pwdeng makatulong sa kanya at kung meron din pong tatanggap na orphanage ay lubos nya pong tinatanggap na kuhain siya…🙏 🙏 🙏” ani Sir Paolo Crame sa kanyang Facebook post.

Para sa mga nais tumulong, maaari niyo pong hanapin ang Facebook account ni sir @PaoloCrame.
📸 : Paolo Crame
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
100 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %

Average Rating

5 Star
0%
4 Star
0%
3 Star
0%
2 Star
0%
1 Star
0%
Previous post Peace Monument Established in Manila to Support Sustainable Peace
Next post DTI heightens interventions in the wearables and homestyle industry in Region 12 
%d bloggers like this: