Read Time:1 Minute, 36 Second

Tila wala nang katapusan ang pagtaas ng mga presyo ng pang-agrikultura na produkto sa bansa, at ito ay dapat nating bigyang pagtutok.

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

Nakababahala na talaga ang sunud-sunod na pagtaas ng lahat ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa dulot ng inflation at iba pang saklaw nito. Halos lahat ng pagtitipid ay ginagawa ng ating mga kababayan. Nais ng bawat Pilipino sa makabagong lipunan ay kaginhawaan ng pamumuhay, patas sa kalakalang merkado at hindi ang panggigipit sa mga mamamayang nilulumpo ng mga mapang-abusong smuggler o sindikato na naglipana sa merkado.

Ikinalulungkot ng mga magsasaka ng sibuyas na malulugi ang kanilang mga pananim na tila ay nakapag ani na ngayong huling linggo ng Enero at talaga namang sobrang apektado sila dahil sa pag-import ng sibuyas na ibinibenta sa mas mababang presyo nito at tila hindi na mabibili pa ang mga inani o aanihin pa lang na mga sibuyas sa bansa. Tanong ng mga magsasaka ng sibuyas, Paano na ang kanilang mga inaning sibuyas? Tila nawawalan na rin sila ng pag-asa dahil sa maling pagpili ng panahon para sa pag-import ng nakakaluhang sibuyas.

Biruin mo ba naman, 21,000 metric tons ang iaangkat nating sibuyas mula sa ibang bansa para mapunan lamang ang kakulangan nito. Taliwas naman ito sa nais ng ilang mga eksperto sa agrikultura na tila na ‘wrong decision’ umano ang DA dahil lalamunin ng imported na sibuyas ang aanihing sibuyas bago matapos ang buwan ng Enero.

Tila may malaking kakulangan talaga sa desisyon ng DA sa pag-import ng sibuyas at hindi ito natutukan ng husto.Sobrang dumadaing na ang ating mga magsasaka na may malaking ambag sa ating lipunan at agrikultura na ngayon ay tila ginigisa sila sa sarili nilang sibuyas sa nakakakulong mantikang malabo pa sa ‘labo’ sa naging hakbangin ng DA na dapat ding gisahin. Huwag naman po natin pahirapan ang mga magsasakang lumuluha ng dahil lamang sa sibuyas. -END-

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
100 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post DTI Chief Convenes NPCC to address issue on price and supply of onions
Next post Trade Chief Expressed Support Towards RCEP in WEF, Highlighted Impact on Sustained Upward Economic Growth Trajectory 

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d