
DTI, nakipag-ugnayan sa mga Stakeholders para sa pagtugon sa Inflation
Sakabila nang patuloy na paghagupit ng inflation sa buong mundo, ang Department of Trade and Industry (DTI) ay pinapanatili ang pag-implementa ng mga polisiya at mga programa para maibsan ang tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa bansa kung saan ay kanilang tinututukan ang apat na hakbangin; una (1) ay ang Consumer prices, ikalawa (2) ang Logistics and supply chain management, ikatlo (3) ang Investment promotion, at ikaapat (4) ay ang Partnership with other goverment agencies.
Sa inilabas na News Release ngayong araw ng DTI, nakatuon dito ang DTI-Consumer Protection Group (DTI-CPG) sa pagkontrol ng mga presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado. Aniya, kanilang sinisiguro na maprotektahan ang mga konsyumer at iba pang consumer groups sa bansa.
Nakatutok naman ang Consumer Policy and Advocacy Bureau (CPAB) at ang Fair Trade Enforcement Bureau (FTEB) kung saan ay regular nilang minomonitor ang pag-implementa at pagsulong ng Automatic Price Control para sa mga basic neccesities at prime commodities (BNPCs) na apektado ng mga kalamidad sa bansa.
Nakikipag-ugnayan din ang DTI sa mga manufacturer na masiguro ang suplay ng mga produkto at makapagbigay ng reasonable price para sa BNPCs, hindi lamang sa panahon ng krisis.
Siniguro din ng DTI ang e-Presyo Application ay mapapakinabangan ng mga konsyumer at masunod ang mga presyong saklaw ng BNPCs na makatulong na makapamili ang mga konsyumer kung saan man sila namimili na angkop sa mga itatakdang presyo. Kaya naman, ang DTI ay naglabas ng Memorandum Circular Nos. 20-07 at 20-10 o ang Anti-Hoarding and Panic Buying.
“The DTI continues to capacitate Local Price Coordinating Councils to enforce monitoring, compliance, and accountability of all stakeholders at various supply chain stages, including market masters, administrators, retailers, and wholesalers. Along with this, our monitoring taskforce conducts regular price and supply monitoring of BNPCs, ensuring accessibility of affordable goods.” saad ni DTI Secretary Fred Pascual.
“Since the launch of the Ikot Palengke, we have already visited four areas: Marikina, Manila, Pasig, and Makati. Sa pag-iikot natin sa palengke, sinisiguro natin na sumusunod sa tamang presyo at timbang ang mga tindera para hindi rin mabiktima ang mga konsyumer”, dagdag ni Sec. Pascual.
Samantala, nilagdaan ng DTI ang kasunduan nila sa DOTr, DA, DPWH, at DILG na masiguro ang 3-Year Food Logistics Plan kung saan ay mababantayan ang paggalaw ng mga bilihin sa merkado gaya ng mga goods, food items, at mabawasan ang transport and logistics costs ng mga agri-commodities. (RBM)
Source: DTI News Release
DTI Capacitates Local Price Coordinating Councils and Engages Stakeholders in Addressing Inflation