Read Time:59 Second
Ni Sid Samaniego

ROSARIO, Cavite: “Pangako ko, ikaw lang ang mamahalin ko sa hirap at ginhawa sa habang buhay”.
Mga linyang binitawan ng dalawang bagong kasal na sakay ng kolong-kolong.

Kinilala ang dalawang bagong kasal na sina Robert Austria Fernandez, 32 taong gulang, isang vegetable vendor, at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Siilangan 2, Rosario, Cavite. At Precy Castillo, 30 taong gulang, isang OFW, tubong Sta. Elena Camarines Norte.

Ayon sa bagong kasal, nagkakilala lamang silang dalawa sa pamamagitan ng social media na facebook.
“Pachat-chat lang kami nung una. Ang bilis ng pangyayari. After one year, eto na kami ngayon, ikakasal na sa aming Mayor,” natatawang kwento ni Precy.
Naging agaw-pansin naman ang ginamit na sasakyan ng bagong kasal dahil imbes sa magarang sasakyan ay sa kolong-kolong sila nakasakay.
Ang naturang kolong-kolong ay pagaari ng tiyahin ng groom.
Pangarap ng bagong kasal na magkaroon ng dalawang supling na higit na magpapatibay sa kanilang pagmamahalan.
Ikinasal ni Mayor Voltaire V. Ricafrente ang dalawa kahapon, Pebrero 10, sa mala-romantikong kubo sa Isla Bonita. ##
Photos: Sid Samaniego

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post “Niregaluhan ako ni Neri ng bagong sasakyan”
Next post DSWD meets with National Authority for Child Care
%d bloggers like this: