TRIKE DRIVER NA NAGSAULI NG P30,000 SA PASAHERO, KINILALA AT BINIGYANG PARANGAL NG LGU ROSARIO

Read Time:58 Second

Ni Sid Samaniego

ROSARIO, CAVITE: Umani ng maraming papuri at paghanga ang ginawang kabutihan ng isang trike driver na si Martin Rosal Jr. sa bayan na ito matapos niyang maisauli ang pitakang may lamang 30,000 pesos sa kanyang pasahero.

Dahil dito, si Martin Rosal Jr. ay kinilala at binigyang parangal ng lokal na pamahalaan ng Rosario Cavite sa pangunguna ni Mayor Jose Voltaire Ricafrente.

Sa flag ceremony kanina ay masayang inalok ng trabaho sa munisipyo si Rosal bilang driver.

“Dahil sa iyong kabutihan, tanggapin mo ang trabahong inaalok namin sa iyo. Ito ay bilang tanda ng iyong kadakilaan. Ito ay patunay lamang na likas sa mga mamamayan ng Rosario ang may ginintuang puso’t kalooban”, wika ni Ricafrente.

Magugunitang ang perang napulot ni Rosal ay pambili diumano ng bangka.

“Maraming-maraming salamat po sa bagong yugto ng aking trabaho! Sa bawat pag-ikot ng aking gulong ay mahigpit kong hahawakan ang manibelang maghahatid sa inyong destinasyon kaakibat ng marangal na pakikipagkapwa-tao”, madamdaming pahayag ni Rosal.

Samantala, ang buong opisyal at myembro ng pederasyon ng trike driver sa bayan na ito ay sumasaludo sa kabaitan ni Rosal. ##

 

Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post PH-EFTA FTA FUELS PHILIPPINE TRADE SURPLUS; PH AND EFTA MEMBER STATES REAFFIRM ECONOMIC TIES
Next post #FightMouthAging with Listerine’s newest ambassadors, Macoy Averilla, Sassa Gurl, and Justine Luzares!
%d bloggers like this: