Kung walang “jowa” na yayakap sayo ngayong “Valentine’s Day,” hanap ka ng puno at yakapin ito

Read Time:1 Minute, 33 Second
[by Ramil Bajo/Photo from Vilma Flores Fluta FB]

SULTAN KUDARAT PROVINCE — Wala kang “jowa” na yayakapin ngayong “Valentine’s Day,” hindi yan problema.

Gayahin mo lang ang ginawa ng netizens na sila Vilma Flores Flauta at Martha “JingJing” Bacus, kung saan makikita sila na niyakap nila ang isang “half a centry old” na puno ng “White Lauan” na masaya.

Ang larawan ay kuha sa loob ng tree farm na pagmamay–ari ni Dr. Fe Marigsa Odrunia sa bayan ng Alamada, North Cotabato.

Ayon kay Madame Vilma, na “amaze” talaga silang dalawa ng kasama niya sa malalaking mga “native tree” na nakatayo sa nasabing farm ni Dr. Odrunia.

“Gi hug namon ang kahoy kasi na amaze gid kami…We want the tree to feel our love,” sabi ni Madame Vilma sa messenger interview sa kanya ng Mindanao Voices.

Ayon kay Madame Vilma, sa nabasa nito na artikulo, sa bansa ng Japan (daw) niyayakap ng mga tao doon ang mga puno doon kay “therapeutic” (daw) siya at nakakatulong ang puno na alisin ang “stress” ng mga tao.

Iginiit ni Madame Vilma na kahit hindi araw (talaga) ng puso nakunan ang larawan, ang gusto nilang ipahiwatig na mensahe sa mga tao na sana isabay din nila ang pag–celebrate ng “Tree Hugging Day” sa Valentine’s Day para mas maging makabuluhan ang kanilang selebrasyon.

Ang larawan ay kuha noong nakaraang–taon. Pinoste ni Madame Vilma ang larawan para isulong ang “Tree Hugging Day” kasabay sa selebrasyon ng “Valentine’s Day” ngayong–araw.

“Valentine’s Day is a day where lovers express their affections to someone. Why not share also that affection to a tree for a few seconds?,” sabi ni Madame Vilma, kung saan siya at ang kasama nitong nakayakap sa malaking puno ay mga empleyada ng Department of Environment and Natural Resources. ##

This news story was originally posted on WEEKLY INFORMER+ 2023
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post DTI Chief Graced the Launching of OTOP Hub in Bacoor, Cavite
Next post VLC conducts a Comprehensive Guide to Money Laundering and its Remedies in the Philippines webinar
%d bloggers like this: