
BAGONG KASAL NAGMOTOR NA LANG KAYSA UMARKILA NG BRIDAL CAR
Read Time:1 Minute, 19 Second
Ni Sid Samaniego
ROSARIO, CAVITE: “You’re my sunshine in my life. You’re the apple of my eyes. Ikaw lang ang mamahalin ko sa habang buhay”, mga linyang ipinangako ng 35 anyos na security guard na si Nathaniel Tabag Calendas, tubong Claveria Cagayan sa dati niyang girlfriend na ngayon ay asawa na si Emily Calimoso Tayco, 32 taong gulang, tubong San Vicente Palawan.
Nagsimula lang ang lahat sa text at tawag. ‘Di pa uso ang facebook noon. Hanggang unti-unti na nilang nakilala ang isa’t isa. Kaya naman, kahapon, Araw ng mga Puso [Peb. 14], pinag-isang dibdib ang kanilang pagmamahalan sa romantikong isla ng Island of Beauty saksi si Mayor Jose Voltaire Ricafrente, mga malalapit na pamilya at kaibigan.
Single Dad si Nathaniel habang Single Mom naman si Emily. Parehong bigo sa mga naunang kapatner sa buhay ang dalawa.
“Sana huwag siyang magbago… Mamahalin ko siya habang buhay”, napapangiting sambit ng bride na si Emily.
Pitong taon ng gwardiya sa Epza si Nataniel. At pitong taon na rin siyang nangungupahan sa Brgy. Bagbag 1 ng bayan na ito.
Hindi na mabilang ang dami ng pagsubok na dumating sa kanilang buhay subalit kapwa nila hindi sinukuan ang bawat pagsubok.
Ayon sa groom, praktikal na ang buhay ngayon. Masyadong mahal ang rumenta ng bridal car. Aniya, sapat na ang kanyang motor para gawing motorcycle bride.
Ang bagong kasal ay may dalawa ng anak ngayon at nangangarap na magkaroon ng sariling lupa’t bahay. #END
Photos: Epipanio Delos Santos Avenue