TRANSPINAY QUEEN NA SI FUSCHIA ANNE RAVENA, SASABAK NA RIN SA MUPH?

Read Time:52 Second
Usap-usapan ngayon sa social media at pageant community ang umano’y pagsabak ni Miss International Queen 2022 Fuschia Anne Ravena para sa Miss Universe Philippines.

Nag-ugat ito sa kaniyang social media post ngayong araw na hinala ng mga fans ay hudyat ito ng kanyang aplikasyon sa prestihiyusong kompetisyon para sa mga kababaihan.

“It’s never too late to make a difference in the Universe!” ani Ravena sa kanyang post kalakip ang tatlong serye ng mga larawan.

Kapansin-pansin din sa kanyang post ang “#ifnotwhen” na kilalang kataga ni Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel na agad namang kumalat sa pageant communities.

Samantala, may agam-agam din kung sakaling sasabak sa naturang pageant si Ravena dahil sa kasalukuyang may aktibo pa itong kontrata sa Miss International Queen organization, ayon na rin sa isang comment ng isang pageant fan.

Matatandaan na bukas na para sa mga transwomen, mga may asawa at may anak o maging sa kababaihang buntis ang Miss Universe stage. #RBM
📸 : Fuschia Anne Ravena/Facebook
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post VLC conducts a Comprehensive Guide to Money Laundering and its Remedies in the Philippines webinar
Next post MEXICAN RESCUE DOG NA NASAWI SA PAGLIGTAS NG MGA NAAPEKTUHAN NG LINDOL SA TURKEY, BINIGYANG PUGAY
%d bloggers like this: