DADALO SA ‘PAGTITIPON PARA SA KATOTOHANAN’, DUMARAMI

Read Time:1 Minute, 24 Second
by Sign of the Cruz Danilo Cruz / Penpower Pilipinas

NAGPAHAYAG NG PAKIKIISA ang tatlong malaking samahan ng propesyunal at makabayang grupo na dadalo at makikipagtalakayan sa pagdiriwang ng ika-37 taong anibersaryo ng EDSA People Power Revolution sa Pebrero 25.

Nanawagan kamakailan ang TNTrio, Bunyog at ilang progresibong samahan ng mga mamamayan na dumalo at makiisa sa naturang pagdiriwang na pinamagatang “Rally for Truth” o “Pagtitipon para sa Katotohanan” na nakasentro sa mga kaganapan noong halalan ng Mayo 9, 2022.

Ang tatlong samahan na nagpahayag ng marubdob na pakikiisa ay ang “The Spirit of 1978 Movement,” isang kombensiyong binuo ng mga kasapi at kabalikat ng orihinal na “Lakas ng Bayan” (Laban) o People Power; “Pink Panther,” isang samahang maka-Leni Robredo at Kiko Pangilinan na nakabase sa Kanlurang Batangas at ang “Ugnayan ng Kilusang Progresibo” (UKP) ng mga lalawigan ng Bulakan at Nueva Ecija.

Dahil sa pagtanggi ng COMELEC at Korte Suprema na bigyang liwanag sa mamamayan ang mga natuklasan ng TNTrio ng ilang hindi kanais-nais na kaganapan noong halalan ng Mayo 9 ay minabuti ng mga nasabing samahan na isentro ang pagdiriwang sa isyung nabanggit at ilan pang pangyayaring anya’y “hindi kanais-nais at katanggap-tanggap sa lipunang Pilipino.”

Ani nila’y “Ang taumbayan na ang magdedeklara sa pamamagitan ng panibagong People Power Revolution, para isailalim sa Revolutionary Government o pamahalaang rebolusyonaryo ang Pilipinas sa pamumuno ng tunay na nanalong pangulo at pangalawang pangulo.

“Kagya’t tayong magpapatawag at magbubuo ng Constitutional Convention (ConCon) na siyang susulat ng bagong saligang batas upang maibalik ang tunay na demokrasya sa buong bansa na binaluktot ng rehimeng Duterte at patuloy pang dinuduhagi at pinagsasamantalahan ng tambalang Marcos Jr. at Sara Duterte,” dagdag pa nila. ###
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post DSWD Secretary Gatchalian visits PDRF
Next post Manzanillas, Anyone?
%d bloggers like this: