JILLIAN WARD, IPINASILIP ANG GOWN SA DEBUT

Read Time:44 Second
Ipinasilip ni Kapuso actress Jillian Ward ang isa sa mga gown na isusuot niya sa kanyang nalalapit na debut sa February 23.

Ani ng Kapuso actress, si Mak Tumang ang nagdisenyo ng gown na ito na gumawa rin ng Lava gown ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

“Sobrang konti pa lang po ng gumagawa po ng ganitong theme. Kumbaga sa showbiz industry po parang wala pa po akong nakikita talagang ganito pong klaseng setup ng debut. Basta po ang goal ko po kasi mag-enjoy po talaga lahat ng guest ko. ‘Yung parang hindi po sila mabo-bore, as in enjoy na enjoy po sila,” ani Jillian ngunit hindi niya inihayag kung ano’ng theme ang kanyang tinutukoy.

Sinabi pa ng aktres na siya mismo ang magiging punong-abala sa party niya na magiging isang pasabog. #DM

📷: @Jillian/Instagram
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
100 %
Previous post Book Fair ng Komisyon sa Wikang Filipino, Bukás Na!
Next post DSWD Secretary Gatchalian visits Philippine Red Cross Operations Center
%d bloggers like this: