MGA MONTALBEÑO WAGI SA POWERLIFTING

Read Time:39 Second
Ni Ella Luci

Nakapagtala ng bagong national record ang Montalbeñong si Ivan Thorin Mantilla nitong Linggo sa Sibol 2023 Luzon Open Powerlifting Championship na ginanap sa Ayala Mall Circuit, Makati.

Na-break niya ang dating record na 225kg para sa Deadlift U120kg Mens Master 1 Category matapos makapagbuhat ng 235kg. Itinanghal din siyang 4th place sa naturang kategorya.

Matatandaang naging silver medalist din si Mantilla sa 2022 National Open & Age Group Equipped Powerlifting Championship noong Nobyembre.

Nag-uwi din mula sa nasabing event ng bronze medal si Nikko Jorel Marcelo para sa 105kg Category at itinanghal naman na kampeon si Danielle Francisco sa U69kg Category.

Binigyang-pagkilala naman ang mga nasabing Montalbeño sa flag raising ceremony ng pamahalaang lokal ngayong araw bilang pagbibigay ng karangalan sa naturang bayan. ###

#Sibol2023
#BangonBagongMontalban
#BagongMontalban
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post 16th DLSU Arts Congress to take place by February 22-24, admission is free and open to the public
Next post International Media Workshop for Journalists Discuss Institutional Peace
%d bloggers like this: