PAGMAMAHALAN, SUMPAAN, AT KASALAN SA LOOB NG KULUNGAN

0 0
Read Time:1 Minute, 9 Second
Ni Sid Samaniego

ROSARIO, CAVITE: Hindi magiging hadlang ang bawat rehas na ito upang mapag-isang dibdib ang pagmamahalan nina Erwin Jose Sacapaño, 27 taong gulang at Rosemarie Astor, 25 taong gulang, kapwa naninirahan sa Brgy. Wawa II ng bayan na ito.

Nakaplano na talagang magpakasal ang dalawa sa programa ng lokal na pamahalaan na “kasalinas”, subalit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nadawit ang lalaki sa isang kaso na naging dahilan ng kanyang pagkakakulong sa Rosario Police Station.

“Hindi pwedeng maudlot ang aming kasal. Matagal na naming pinagplanuhan ito. Bago ako lumipad patungong Middle East kailangang maikasal kami ni Erwin”, masayang kwento ni Rosemarie.

Pinangunahan ni Rev. Buddy Villacruz ng Simbahang Katoliko Pilipinong Kristiyano ng Dioceses of Cavite ang pagpapakasal sa dalawa.

Ikinatuwa naman ng mga kakosa ni Erwin ang pangyayari, lalo na’t ito diumano ang kauna-unahang pagkakataon na may nangyaring kasalan sa loob ng kulungan na kanilang personal na nasaksihan.

“Natupad din ang aming pangarap na maikasal. Mahal na mahal kita Rosemarie. Huwag kang mag-alala, kapag nakalaya ako dito, susuklian ko ang lahat ng pagkukulang ko sa’yo”, madamdaming paliwanag ni Erwin.

Samantala, isang mainit na pagbati at masigabong palakpakan naman ang ipinadama ng buong kapulisan ng Rosario MPS sa bagong kasal. ##

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise

Learn More →
%d bloggers like this: