ESTUDYANTENG BIKTIMA NG HINIHINALANG HAZING, NATAGPUANG PATAY SA IMUS, CAVITE

0 0
Read Time:1 Minute, 27 Second
Natagpuang wala nang buhay ang katawan ng isang college student sa madamong bahagi sa lungsod ng Imus, Cavite na hinihinalang biktima ng hazing.

Sa ulat na nakalap mula sa ABS-CBN News, matatandan na noong Pebrero 20 ay pumunta sa Manila Police District si John Michael Salilig upang iualat na 2 araw nang hindi ma-contact ang bunso niyang kapatid na si John Matthew, isang Engineering student sa Adamson University.

Aniya, ihahatid dapat nila ang ama sa airport pauwi ng Zamboanga ay doon na nila minabuting hanapin ang kapatid dahil sa wala itong paramdam sakanila.

Noong una ay hindi pa umano nag-aalala si Michael sa hindi pagpaparamdam ng kapatid na si Matthew dahil madalas nitong mahayaan na maubos ang baterya ng cellphone.

Ayon kay Michael, nakatanggap umano siya ng mensahe mula sa hindi kilala at tila isang dummy account sa social media na naglalahad ng sinapit ng kapatid sa welcoming rites ng isang fraternity.

Sa isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad, sa Buendia-Pasay huling nakita ang share locator ng cellphone ni Matthew. Matapos nito, namataan ang biktima sa Biñan kung saan kasama na niya ang iba pang mga miyembro ng fraternity.

Ayon sa salaysay ng isang suspek, hindi umano bababa sa 10 ang palo na tinamo ni Matthew sa naging initiation rites. Dagdag pa niya, binawian umano ito ng buhay habang nakasakay sa isang SUV pagkatapos ng naganap na rites.

Nagbigay simpatiya naman ang pamunuan ng Adamson University sa pagpanaw at sinapit ng isa nilang estudyante matapos nilang kumpirmahin ang naiulat na nawawalang college student.

Ayon sa unibersidad ay gumagawa na rin sila ng imbestigasyon ukol sa insidenteng ito at siniguro na makikipag-ugnayan sila sa mga awtoridad kaugnay sa kaso. #RBM

Source: ABS CBN News
Photo: James Makasiar

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
100 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

Learn More →
%d bloggers like this: