NAIC, CAVITE — Hindi masama ang maghangad ng pagbabago sa komunidad kung ito ay para sa kapakanan ng bawat residente na siyang makikinabang nito sa hinaharap.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Ito ang pinatunayan ng bagong mga residente ng Pagsinag Place West, Brgy. Timalan-Balsahan bayan ng Naic probinsya ng Cavite sa pangunguna ng kanilang itinalagang butihing Interim President-elect Kristoffer Menpin katuwang ang kaniyang mga ka-Interim officers at ang opisina ng naturang barangay na sumasakop sa nasabing subdivision at ang mga residente nito na kaisa sa pagtataguyod ng kaayusan at kalinisan ng kanilang bagong komunidad.
Wala pa mang isang-taon na naninirahan ang mga residente sa subdivision na ito, marami nang pagbabago ang kanilang nasimulan. Napag-alaman ng Diyaryo Milenyo na ilan sa mga isinusulong na adhikain ni Mr. Menpin ay ang door-to-door na pagkokolekta ng mga basura na mapapakinabangan pa mula sa kanilang mga kapitbahay. Kanila itong ibinibenta upang gamiting pondo ng kanilang nasasakupan para sa pagbili ng mga kagamitang magagamit ng bawat residente sa paglilinis ng komunidad at iba pa.
“Kaysa itapon lang sa basurahan ‘yung mga basurang mapapakinabangan pa like plastic bottles and can, plastic wares, sirang appliances etc., bakit hindi namin ito kolektahin sa mga kapitbahay namin para gawing pera at maging pondo ng aming nasasakupan. Makabili ng gamit o materyales gaya ng grass cutter, martilyo, at iba pa na magagamit ng lahat. Thankful kami dahil nagagawa na namin ito sa pakikiisa na rin ng bawat kapitbahay namin at sa tulong ng aming mga officers.” saad ni Mr. Menpin.
Bukod dito, isinusulong din ng buong Interim officers ang kanilang youth empowerment program tulad ng clean up drive, PPW Youth Club, at health and wellness na Zumba Sunday Club.
Nakikipag-ugnayan din ang buong Interim officers sa mga concern agencies partikular sa pagsasaayos ng kuryente at daloy ng tubig (Meralco, at General Trias Water Corp.), maging sa opisina ng Developer ng naturang subdivision, at sa Property Management Office (PMO) na sakop ng buong subdivision doon.
Sa kasalukuyan, patuloy ang kanilang maayos na koordinasyon o pakikipag-ugnayan sa opisina ng kanilang barangay at local government unit (LGU) ng Naic para sa pagpapalawig ng community development ng naturang subdivision. –RBM
Para sa mga update at iba pa, sumangguni lamang sa kanilang official Facebook account na nasa ibaba;
(2) PPW – HOA (INTERIM) | Facebook