Kadiwa ng Pangulo, tuloy-tuloy na maghahatid ng murang bilihin sa masa! 

Read Time:3 Minute, 32 Second

SANTO TOMAS, BATANGASNgayong 1 Marso 2023, dinaluhan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Fred Pascual ang pagsasagawa ng ‘Kadiwa ng Pangulo’ caravan sa Malvar Park, Batangas.

Katuwang ni Pangulong Marcos Jr., ipinahayag ni Secretary Pascual ang buong suporta ng DTI sa paglunsad ng pamahalaan ng Kadiwa ng Pangulo na may adhikain na mag-abot ng garantisado at abot-kayang halaga ng mga pangunahing bilihin sa mamamayang Pilipino. Kasunod nang matagumpay na paglulunsad ng kauna-unahang Kadiwa ng Pangulo noong 27 Pebrero 2023 sa Cebu, nais ng pamahalaan na pag-ibayuhin pa ang kanilang kampanya upang maihatid ang mga produkto ng ating mga magsasaka diretso sa mga mamimili.

Sa pagsisimula ng paglulunsad ng mga Kadiwa caravans sa iba’t-ibang panig ng bansa, makatutulong ito upang magkaroon ng permanenteng access ang mga mamimili sa mas murang produktong agrikultural at manufactured basic necessities at prime commodities (BNPCs). Kabilang na rito ang sibuyas sa halagang PHP150 kada kilo, bigas na nasa PHP25 kada kilo, at mga produktong gawa ng mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs) na sinusuportahan ng DTI.

Ang Kadiwa ng Pasko na inilunsad noong nakaraang taon ay naging popular sa mga mamimiling Pilipino dahil na rin sa sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng mga bilihin bunsod ng pandaigdigang inflation. Dahil dito ay hinahanap hanap ito ng mga mamimili kaya’t minarapat ng Pamahalaan na ipagpatuloy ang programa na ngayo’y tatawagin nang Kadiwa ng Pangulo.

Ani Secretary Pascual, “Napapanahon din ang paglulunsad ng Kadiwa kasunod ng adhikain ng Pamahalaan at ng DTI na palakasin ang sektor ng agrikultura, upang mapababa ang presyo ng mga produktong agrikultural at masiguro ang food at nutritional security ng bawat pamilyang Pilipino. Sa pagpapa-unlad ng sektor ng agrikultura, makapagbibigay din ito ng mas maraming trabaho at masisiguro ang sapat na supply ng pagkain sa bansa. Ito ay isang tugon na rin ng Pamahalaan sa nararanasang inflation sa bansa.”

Maliban sa mga produktong agrikultural, layunin din ng Kadiwa na tumulong sa mga maliliit na negosyo o MSMEs upang mailapit at maibenta ang kanilang mga lokal na produkto sa mga mamimili. Kaisa ni Pangulong Marcos ang DTI upang mas marami pang mga probinsya at lalawigan ang maabot ng Kadiwa at matulungan ang mga magsasaka na direktang maibenta ang mga produkto at mapataas ang kanilang kita.

“Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Kadiwa ng Pangulo caravan, makakatulong na magkaroon ng wastong supply ng pagkain sa abot-kayang halaga sa bawat hapag kainan ng pamilyang Pilipino. Bukod sa kapakanan ng mga mamimili, tututukan din ng DTI ang pagtulong na mapalakas ang Kadiwa ng Pangulo upang masuportahanan ang mga maliliit na negosyo o MSMEs, manufacturers, kooperatiba, mga mangingisda, at ang iba’t-ibang sektor ng agrikultura, na kumita nang sapat at maiangat ang kanilang de-kalidad na mga produkto sa pandaigdigang merkado” dagdag ni Secretary Pascual.

Ang Kadiwa ng Pangulo ay isinasagawa sa pagtutulungan ng Office of the President, Department of Trade and Industry (DTI), Department of Agriculture (DA), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at iba pang ahensya ng gobyerno. Sa tulong ng iba pang mga sangay, target ng pamahalaan na palawigin at paramihin pa ang mga Kadiwa na ngayon ay tinatayang nasa 500 na at isinasagawa sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.

Saad pa ni Secretary Pascual, “Kami po sa DTI ay patuloy na magsasagawa ng mga programang susuporta sa mga MSMEs o maliliit na negosyo. Unang na nga ang pagbibigay ng suporta upang maka adopt sila sa mga latest technology o digitalization na magpapalawak ng kanilang market access. Sa ngayon ay meron kaming binubuo na online platform katuwang ang DICT. Patuloy rin kaming magbibigay ng mga tulong pinansyal sa pamamagitan ng Small Business Corporation para makatulong na mapalago ang kanilang mga negosyo. Hangad namin na mas mapaganda pa ang kalidad ng mga produktong Pilipino para maipagmalaki natin ito at ma export sa ibang bansa.” END. 

 

For further information on the release, please get in touch with:
DTI-ROG-Office of Undersecretary
6F Trade & Industry Building, 361 Sen. Gil J. Puyat Ave., Makati City
Telephones: (+632) 7791.3285 / Fax: 8890.4685
Contact Person: Mr. Bernard Nino S. Tarun
Email Address: ROG@dti.gov.ph / BernardNinoTarun@dti.gov.ph
Website:  www.dti.gov.ph
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post DTI Chief: P&G brings in P864 million worth of investments for the Philippines, names Korea and Vietnam as export markets
Next post DTI reminds online platforms to strictly comply with the law and gives a stern warning to violators 
%d bloggers like this: