Read Time:3 Minute, 30 Second

 

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

“Pain Comes With Honor!”

 

Nabasa ko lang ito sa isang post ng kasapi ng isang kilalang kapatiran o fraternity na nadaanan ko lang sa Facebook. Napaisip ako kung tama ba yung caption na ginamit nito sa kanyang Fb post?

Marahil nga’y karamihan sa fraternity o mga organisasyon ng iba’t ibang kapatiran ay hindi sasang-ayon sa akin, pero nais ko lang linawin na hindi ko po kayo tinitira bagkus, nais ko lang bigyang kalinawan ang mga katagang aking nabasa.

Maganda ang mensaheng ipinaparating ng mga salitang ito. Ngunit tila hindi ito nararapat gamitin para pagbasehan na naalpasan mo ang paghihirap mo sa hazing sa kapatiran na iyong kinabibilangan. Sumisigaw ka pa ng ‘Yes, Master!‘ ng paulit-ulit na tila pa’y pumapagaspas ang iyong diwa dahil pinamalas mo ang iyong katatagan sa mga hagupit at palo na iyong pinagdaanan. Welcome to kapatiran! Ika nga ng ilan.

Ang hazing initiation kailanman ay hindi dapat isinasagawa o ipinagmalalaki dahil sa madahas ito na nauuwi sa kamatayan ng mga nagtatangkang umanib sa maling grupo o samahan. Ang mga salitang nabanggit sa itaas kailanman ay hindi nararapat gamitin ng isang kapatiran kung gamit naman nila ay dahas. Hagupit ng diablo ang sa iyo’y lalatay at mararatay ka sa banig ng kamatayan. Habang ika’y nakapiring, dinuduruan at hinahambalos ng mga matitigas na bagay sa katawan at bawal kang bumigay sa iyong kinatatayuan senyales kasi iyon na hindi mo kayang daigin ang kanilang maling katapangan. Wala silang paki kung nasa bingit ka na ng kamatayan basta ang siste kailangan mong patunayan ang iyong katapangan at katapatan. Naiiba ang kanilang pananaw sa buhay dahil sa hazing na hindi kayang pigilan. Dumadanak ang dugo sa kapatirang nagpapahirap sa kaawa-awang mga ligaw na tupa na mali ang pamamaraan sakanila ng pagpapastol.

Kitang-kita naman ng lahat na may mali sa kapatirang kinabibilangan ng karamihan. Bawal magsalita, bawal magsumbong, bawal ang magkwento at higit sa lahat kapag ikaw ay kanilang natunton, buhay ang kapalit. Ito ba ang tunay na kahulugan ng Fraternity? Kapatiran o ano pa man ang kanilang pagkakakilanlan?

 

Mariing kinondena ni Sen. Win Gatchalian, Chairman, Basic Education Arts and Culture Committee sa isang interbyu ng TeleRadyo na dapat may managot at makulong sa hazing initiation na ito na laganap pa rin sa buong bansa.

Base na rin sa bagong batas na Anti-Hazing Law 2018, ito ay isa sa pinaka mahigpit na anti-hazing law sa buong mundo na dapat mapanagot ang mga mapapatunayang gumagawa ng krimen na may kinalaman sa hazing.

 

Nakapaloob sa batas na ito na kung ikaw ay isa sa mga kasabwat sa pagpatay sa naganap na hazing initiation, maaari kang makulong nang hanggang 40 taon. Kung ikaw ay officer ng fraternity at alam mo ang pangyayari, makukulong ka nang hanggang 20 taon. At kung ikaw ay hindi nakikipag-cooperate at dahilan ka para maging obstruction, maaari kang makulong ng hanggang 6 na taon. Bukod dito, may pananagutan din ang mga University at Colleges kung ang hazing ay nangyari sa campus premises at kung may alam din ang mga organisasyon ng iba’t ibang fraternity.

Aniya, pinagsisikapan ng gobyerno na mas mapagtibay ang batas na ito upang panagutin ang dapat managot sa batas. Dapat may managot at makulong sa mga kaganapan ito. Ayon pa kay Sen. Gatchalian, wala pa rin umano ang napaparusahan sa krimen na ito mula 2018 hanggang sa kasalukuyan. Aniya, dapat makibahagi ang mga organisayon ng iba’t ibang fraternity sa bansa para labanan ang hazing.

Batid kong walang masamang hangarin ang mga Fraternity sa bansa ngunit tila may kadungisan sa kanilang mga organisasyon na hindi napipigilan. Batid naman ng lahat na may mali sa mga pamamaraan sa pagtanggap ng mga bagong kasapi sa mga kapatirang ito na dapat ng mawakasan.

Pain Comes with Honor kung walang karahasan sa isang kapatiran. Hindi ito dapat ipagmalaki ninuman. Ang kapatiran ay hindi dapat sinasaktan, pinagmamalabisan, pinipiringan sa katotohanang nais malaman, makita’t masaksihan. Sana’y magsilbing aral ang nangyaring hazing sa isang college student ng Adamson University kamakailan at maging kamulatan ito sa mga fraternity na patuloy pa ring nagsasagawa ng hazing sa mga nare-recruit nilang bagong kaanib ng kanilang kapatiran na humahantong sa kamatayan. #RBM

 

Ni Rex Molines  [] info@rexmolines.com

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Atty. Marites A. Barrios-Taran, Bagong Hirang na Direktor Heneral ng KWF
Next post DSWD, UN to join hands in ending hunger, strengthening disaster preparedness

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: