Mindanawong Panitikan at Dekolonisasyon sa dalawang tomo ng Kalandrakas

Read Time:2 Minute, 13 Second
[Campus]

Kamakailan ay inilunsad ang monumental na mga tomo ng “Kalandrakas: Stories and Storytellers of/on Regions in Mindanao, 1890-1990.” Higit sa 100 taon ang saklaw ng tinaguriang, “a preliminary and continuing survey and literary mapping.”

Batay sa buod ng libro, ang koleksiyon ng mga sulatin mula sa Mindanaw mula 1890 hanggang 1990, mahalagang banggitin ang huli ay napili kung kailan opisyal na kinilala ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas (CCP) ang Ani (literary journal). Nahahati sa dalawang yugto ang aklat, mula ang pre-independence at postwar hanggang 1990.

Ayon sa isang rebyu ng libro, ang Kalandarakas ay binigyan ng depinisyon ng isang linguistang Amerikano, “as conglomeration of various things or kinds and things of all different kinds and varieties coming at once.” Sinipi ni Jomar Quintos si John Wolff nagsulat ng “A dictionary of Cebuano Visayan.”

Bilang bahagi ng paglulunsad, nagpahayag naman ang naglimbag. ang direktor ng Ateneo Press si Karina Bolasco sa pamamagitan ng prerecorded na bidyo  ang Kalandrakas ay maaaring ituring naman na “library, archive at literary map.”

 

“I hold the two parts of Kalandrakas at 868 pages for part 1 and 1164 for part 2, they are literal doorstoppers. A way to keep the doors open for as long as we can: to let the winds of change in, to remain open to whatever new ideas, thoughts, and feelings, critical and creative, are yet to come and enrich what we already have,” sabi ng naglimbag ng libro.

Samantala, paliwanag naman ng isa sa mga nag-ambag at kasama sa Kalandrakas, si Bro. Karl Gaspar tagumpay ang pagkakalimbag ng libro. “Kalandrakas has once and for all debunked the pejorative belief of non-Mindanawons that there exists no literature in southern Philippines,” sabi ni Gaspar.

Bumabalik sa parehong pagpapakahulugan ang Kalandrakas ngunit nagbigay ng konteksto para sa mga Mindanawon na nakakauna sa wika nito. Ayon sa kanya, “For those who do not understand Cebuano-bisaya, kalandrakas means the following: miscellaneous, motley, varied medley or constituted by things, of all different kinds and varieties coming at once, or a conglomeration of various things or kinds.”

Ang mga Mindanawon ay parehong pinanganak at lumaki sa Mindanaw o ituniring na ang Mindanaw bilang sariling tahanan. Batay sa mga historikong yugto o pamamanahon ang kolonyal na kasaysayan at proseso ng dekolonisasyon nito ay matatagpuan sa mga “kuwento” sa Mindanaw. Nagbubukas ang bagong lunsad na aklat na Mindanawon para sa alternatibong bersiyon ng pambansang kasasyayang nakabatay sa lokal at pang-isla o kapuluan na pag-aaral partikular sa Sulu at Mindanaw.

Randy T. Nobleza, Ph.D.
Associate Professor I
Institute of Arts and Social Sciences
Marinduque State College
Happy
Happy
100 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Up & Coming Make-Up Artists: A Peek Behind “Make-Up by Wilma”
Next post Chinese businessmen eye more investment opportunities in the Philippines at GCC launching in Mexico, Pampanga 
%d bloggers like this: