DTI Nakikipagpulong sa mga LPCCs Upang Tugunan ang Inflation 

Read Time:2 Minute, 26 Second
[From left to right: DTI Assistant Secretary Dominic Tolentino, DTI Secretary Fred Pascual, President Ferdinand R. Marcos Jr., DOLE Secretary Bienvenido Laguesma] 

QUEZON CITY—Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Fred Pascual, Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma, Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary Kristine Evangelista, at iba pang mga kawani ng Pamahalaan ang pagbubukas ng Kadiwa ng Pangulo para sa Manggagawa ngayong araw, 8 Marso 2023, sa Trade Union Congress of the Philippines, ang pinakamalaking unyon ng mga manggagawa sa bansa.

“Ang Kadiwa ay tugon ng pamahalaan sa tumataas na presyo ng mga bilihin. Dito ay nagkakaroon ng access ang ating mga kababayan sa mas murang mga produktong agrikultural. Hindi lang ‘yan, natutulungan din ng DTI sa pamamagitan nito na mai-promote ng mga maliliit na negosyo ang kani-kanilang mga produkto,” saad ni Secretary Pascual.

Dagdag pa ni Secretary Pascual, “Ang DTI ay patuloy na nakikipagpulong at hinihikayat ang mga Local Price Coordinating Councils na makipagtulungan sa aming ahensya upang ma monitor nang maayos at maging stable ang presyo at supply ng mga pangunaghing bilihin sa merkado. Itong global inflation, isa itong malaking pagsubok sa ating pamahalaan kaya naman mahalaga na magtulungan ang mga ahensya ng gobyerno nang sa gayon ay ma-solve rin natin ‘yung mga challenges sa local supply chain.”

Kamakailan lamang ay nakapagtala ang Philippine Statistics Authority (PSA) ng bahagyang pagbaba ng national inflation rate ng bansa na nasa 8.6% nitong Pebrero 2023 kumpara sa 8.7% noong Enero. Subalit sa National Capital Region (NCR) ay tumaas pa ito sa 8.7% dahil na rin sa pagtaas ng presyo ng kuryente, tubig, gas, at iba pang mga bilihin. Bunsod nito ay lalo pang pinalalawak ng Pamahalaan ang Kadiwa upang mas marami pang komunidad ang maabot nito.

Ang Kadiwa ay isa ring mekanismo ng Pamahalaan na naglalayong palakasin ang sektor ng agrikultura, mapataas ang level ng produksyon ng mga magsasaka at mga mangingisda, at maging sagot sa pambansang krisis sa pagkain na dulot ng inflation.

Ang mga susunod na Kadiwa ng Pangulo para sa manggagawa ay magaganap sa mga economic zones, pribadong kumpanya, at iba pang mga ibang lugar kung saan may mataas na bilang ng mga manggagawa. Ang Kadiwa ng Pangulo ay pagsasanib-pwersa ng Office of the President – Presidential Management Staff (OP-PMS), Department of Agriculture (DA), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at iba pang sangay ng pamahalaan. END. 

 

 

 

For further information on the release, please get in touch with:
DTI-ROG-Office of Undersecretary
6F Trade & Industry Building, 361 Sen. Gil J. Puyat Ave., Makati City
Telephones: (+632) 7791.3285 / Fax: 8890.4685
Contact Person: Mr. Bernard Nino S. Tarun
Email Address: ROG@dti.gov.ph / BernardNinoTarun@dti.gov.ph
Website:  www.dti.gov.ph
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Happy International Women’s Day
Next post PAMAHALAANG LOKAL NG MONTALBAN, NAKATANGGAP NG PAGKILALA KAUGNAY SA PNP KASIMBAYANAN
%d bloggers like this: