Happy International Women’s Day

Read Time:1 Minute, 4 Second

MARSO 2023 — Espesyal ang buwan ng Marso para sa mga kababaihan sa buong mundo at maging sa ating bansa. Itinakda ang ika 8 ng Marso sa buong mundo dahil ito ang International Women’s Day. At dito sa ‘Pinas, hindi lamang isang araw nating pinaghahandaan ang pagtanaw sa mga kababaihan kundi ito ay ating ipinagdidiriwang sa buong buwan ng Marso para kilalanin ang iba’t ibang papel ng mga kababaihan sa ating lipunan.

Sa ilalim ng Proclamation No. 224 s. 1988, ang unang linggo ng Marso ay tinakda bilang Women’s Week at ang Marso 8 bilang Women’s Rights and International Peace Day. Batay sa Republic Act No. 6949 ang pagdiriwang ng National Women’s Day bilang Working Special Holiday sa buong bansa.

Ngayong 2023, ang tema ng National Women’s Month ay “WE for gender equality and inclusive society” kung saan ang ibigsabihin ng WE ay “Women and Everyone” at “Women’s Emporment” na kumakatawan sa papel ng mga kababaihan upang makamit ang gender equality.

Samantala, ang Gender Equality ay ang pangwaks na layunin kung bakit isinusulong ang karapatan ng mga kababaihan.

Ang Inclusive Society naman ay isang panawagan na kumikilala sa karapatan at responsibilidad ng bawat isa, anuman ang kanyang SOGIE (sexual or orientation, gender identity at gender expression), abilidad, henerasyon, estado at kultura. #DM

Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post DSWD Secretary meets World Bank, World Vision to improve social welfare programs
Next post DTI Nakikipagpulong sa mga LPCCs Upang Tugunan ang Inflation 
%d bloggers like this: