PAMAHALAANG LOKAL NG MONTALBAN, NAKATANGGAP NG PAGKILALA KAUGNAY SA PNP KASIMBAYANAN

Read Time:46 Second
Ni Ella Luci

MONTALBAN — Iniabot sa flag raising ceremony ng mga kawani ng pamahalaang lokal ni Municipal Values Formation and Chaplaincy (MVFC) Head Ptr. Bobby Lucero kay Punongbayan Ronnie S. Evangelista ang parangal para sa bayan ng Montalban kaugnay sa PNP KASIMBAYANAN nitong Lunes, Marso 6, 2023,

Binigyang-pagkilala ang pamahalaang lokal ng bayan ng Montalban, sa paglilingkod ni Punongbayan Ronnie S. Evangelista, dahil sa pagpapaigting ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad at bayan sa pamamagitan ng pakikiisa sa programa ng Philippine National Police (PNP) na PNP KASIMBAYANAN. Nagmula naman ang naturang Letter of Appreciation kay PNP Chief Police General Rodolfo S. Azurin Jr.

Batay kay Ptr. Bobby Lucero, ang Montalban ang kauna-unahang pamahalang lokal sa buong Pilipinas na nagkaroon ng adaptasyon ng naturang programa.

Ayon naman sa post ng Bangon Bagong Montalban, “patuloy…na nagsisikap ang bayan ng Montalban sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan para sa mga Montalbeño”.

#PNPKasimbayanan
#BangonBagongMontalban
#BagongMontalban
#MontalbanNewsAndPublicAffairs
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post DTI Nakikipagpulong sa mga LPCCs Upang Tugunan ang Inflation 
Next post PHOTO NEWS: DTI Sec. Pascual, received an award from MAP
%d bloggers like this: