
Bagong pamunuan ng mga Sentro ng Wika at Kultura (SWK) sa Kapuluan nanumpa sa Tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF)
Puerto Pricnesa, Palawan – Nahalal ang pamunuan mula sa mga direktor ng Sentro ng Wika at Kultura (SWK) pagkaraan ng Pagpaplano sa Hotel Asturias mula March 8 hanggang 10 kasama ang tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) Dr. Arthur Casanova, Tagapag-unay ng KWF Sangay ng Edukasyon at Networking Dr. Evie Duclay kasama ni Mam Mina Limbo na siyang nakikipag-ugnayan sa mga SWK ng buong kapuluan.
Napili ng mga kapwa direktor ng SWK, si Dr. Alvin De Mesa, bilang pangulo, si Dr. Rodello Pepito ang Pangalawang Pangulo, Prop. Ryan Rodriguez ang kalihim, Dr. Lourdes Quijano ang Ingat-yaman, Dr. Felisa Marbella ang awditor, Dr. Romeo Espedion Jr ang tagapagbalita, samantala ang mga kinatawan ng Luzon ay si Dr. Mary Ann Macaranas, Visayas naman si Dr. Lita Bacalla at sa Mindanaw ay si Dr. Radji Macatabon.
Ayon sa Manwal ng Sentro ng Wika at Kultura, mula sa mandato ng Komisyon sa Wikang Filipino ang pagpapaunlad, pagpapalaganap, at preserbasyon ng Filipino at iba pang mga wika sa Filipinas. Dagdag pa mula sa SWK Manwal, “makakaagapay ang SWK sa bawat rehiyon, lalawogan o bayan sa adhikain ng KWF na kilalanin at patatagin ang pamanang kultural tungo sa pagpapaunlad ng wikang katutubo at preserbasyon nito.”
Humigit kumulang na 50 ang mga kasalukuyang SWK sa buong bansa mula sa 15 rehiyon sa kapuluan ay mayroong mga sangay ang KWF. Si Dr. Macaranas ay SWK Direktor ng Pangasinan State University, si Dr. Quijano naman ay mula sa Nueva Ecija University of Science and Technology, samantala si Dr. Marbella ay galing naman sa Sorsogon State University, si Prop Rodriguez ay mula sa Camarines Norte State College, si Dr. Espedion ay sa West Visayas State University, si Dr. Bacalla ay sa Cebu Normal University. Si Dr. De Mesa ay sa Leyte Normal University, Dr. Pepito ay sa Bukidnon State University at si Dr. Macatabon ay sa University of Southern Mindanao.
Mula 2017 ay muling nakatipun-tipon ang mga SWK Direktor sa panahon ng dating tagapangulo ang pambansang alagad ng sining Virgilio Almario, ang sumunod na ay sa termino ng kasalukuyang tagapangulo at punong komisyoner Dr. Casanova.
Average Rating
You must log in to post a comment.