HINAING NG MGA MAGSASAKA SA CAVITE, IDINULOG KAY SEN. IMEE

Read Time:1 Minute, 47 Second
Ni Sid Samaniego

 

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

TRECE MARTIRES, CAVITE — Nakilahok sa ilang aktibidad sa lungsod ng Trece Martires Cavite, kaninang umaga si Senadora Imee Romualdez Marcos, bilang bahagi pa rin ng selebrasyon ng National Womens Month, kung saan namahagi ito ng cash assistance sa mga kababaihang dumagsa sa Colegio de Amore Gymnasium.

Isanglibong kababaihan ang nakatanggap ng tig-3000 cash pay out na nakapaloob sa programang Assistance to Individuals in Crisis Situations o AICS, habang rumampa naman sa harap ni Sen. Imee Marcos ang ilang mga “buntis” na nakatanggap rin ng “ImeeSolusyon” gift packs.

Sa kanyang pahayag, muling binuhay ng senadora ang mga “trademark” na programa ng kanyang namayapang ama na si dating Pangulong Ferdinand Edralin Marcos Sr. Napapanahon na umanong ibalik at palakasin ang mga programang “Kadiwa store” at “Nutribun” feeding program.

Isa-isang binanggit ng Senadora ang epekto ng sobrang taas na mga bilihin at pangunahing mga pangangailangan na lubha ring nagpapahirap sa mga kababaihang tumatayo bilang ilaw ng tahanan, na sya umanong nagba-budget at nagpapakahirap na mapagkasya ang gastusin sa araw-araw

Sa kone-konektadong solusyon na inilatag ng Senadora ang pagpapalakas at pagpapanumbalik ng mga Kadiwa store, na ngayo’y “Kadiwa on Wheels” na rin, magiging pangunahing laman nito ang mga produktong agrikultura na itinanim at pinagyaman ng mga local farmers ng bansa, gayundin ang feeding program gamit ang Nutribun na gawa sa Malunggay.

Nakipag-diyalogo rin ang Senadora sa ilang grupo ng local at young farmers cooperative sa session hall ng Trece Martires City hall, kung saan narinig niya at nakita ang mga ipinagmamalaking agri-product ng mga ito, gayundin ang mga kinakaharap nilang problema sa larangan ng pagtatanim, pag-aani at pagbebenta ng produkto.

Nangako ang Senadora na pagtutuunan niya ng pansin ang pagpapalakas sa agricultural program, gayundin ang paglalaan ng pondo ng gobyerno para sa mga mungkahing proyekto na magpapalawig ng mas maraming produksyon ng agri-product, na magiging solusyon rin para hindi na kailanganin pang umangkat ng ating bansa kung sapat na ang produksyon ng mga agri product. ##

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post DTI Chief Highlights Philippines’ Strong Macroeconomic Fundamentals 
Next post Kulturaserye tungkol sa Puso ng Pilipinas ngayong Buwan ng Kababaihan

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: