fbpx
Thursday, April 25, 2024
Mga Naratibo mula sa Rehiyon tampok ang Buhay na Panitikan sa Iba-ibang Wika ng Isla at Kapuluan

Mga Naratibo mula sa Rehiyon tampok ang Buhay na Panitikan sa Iba-ibang Wika ng Isla at Kapuluan

0 0
Read Time:2 Minute, 15 Second

Sa paggitan ng Buwan ng mga Sining at Panitikan, idinaos ng National Committee on Literary Arts (NCLA) ang “Panitikan ng Panumduman: Klima, Kuwerpo, Kronika – Reading the Regions 2023” sa Pangasinan noong Marso 24 at 25.

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

 

Nagbukas ang flagship program ng NCLA, “Reading the Regions” sa Sison Auditorium sa Lingayen, Pangasinan kasama ang kinatawan ng Punong Lalawigan si Ramon Guico, Von Mark Mendoza na siyang nagbigay ng pagbagti at pagtanggap. Pinaunlakan ng dalawang pambansang alagad ng sining para sa panitikan sina Gemino Abad at Virgilio Almario sa unang araw. Susing tagapagsalita rin si Dr. Alfredo Mahar Lagmay ng UP Resilience Institute.

Sa bahagi ni Abad, sa kanyang talumpati “ Reality, Language and Poetry” kapag nagbabasa, nakakapag-isip at nakakapaghiraya kung kaya walang wika, walang alaala, kasaysayan o kultura.

Binigyan naman ni Almario sa kanyang susing pananalita, “Muling Pagkatha ng Panitikang Rehiyonal” kinakailangang maging bahagi ng buhay at kultura ng kasalukuyan ang panitikang nasa iba-ibang wika hindi lamang iniipon para sa museo at sinupan.

Pinadaloy ni Dr. Luna Sicat-Cleto ang palitan nina Dr. Genevieve Asenjo, G. Bonifacio Caña at Bb. Ma Honeylete Alerta para sa unang sesyon tungkol sa klima. Ang kasunod na bahagi ay pinadaloy naman ni Dr. Joyce Arriola para sa kwerpo sa paggitan nina G. Antonino Salvador De Veyra, Dr. Ariel Gutierrez at Prop. Soliman Santos bilang tagapaglahad. Ang pangatlong sesyon naman ay pinadaloy ni Dr. Priscilla Macasantos para sa kronika kasama sina Prop. Aaron Viernes, Prop. Rosalina Mendigo at G. Ian Harvey Claros.

Ang isang panel ay pinadaloy ng pinuno ng NCLA si Niles Jordan Breis kasama ang mga lokal na manunulat na Pangisense kagaya nina Dr. Marot Flores. Nagkaroon din ng pagbabagi sina Prop. Egay Samar, Rene Boy Abiva, Mark Joseph Rafal at EJ Bolata kasama ang iba pang tanyag na manunulat sa rehiyon at bansa.

Nagpinid ng programa sa pamamagitan ng pasasalamat ni Dr. Juliet Mallari na dating pinuno ng NCLA mula 2020-22. Ayon sa kanya, makasaysayan, hindi malilimutan at makabuluhan ang  naganap na gawain sa Pangasinan.

Samantala, sa daratng na Buwan ng Panitikan sa Abril ay magkakaroon ng iba-ibang gawain ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) kasama ang mga katuwang nitong Sentro ng Wika at Kultura (SWK)  sa mga Rehiyon, Bayan at Lalawigan. Magkakaroon ng paglulunsad ang zine na “Ayon kay Kid Talaba” ni May Morales-Dolis sa darating na Marso 31 sa Sentrong Pangkultura ng Pilipinas at ang “Banwa at Layag” naman ni Axle Tugano ay magkakaroon ng lunsad-aklat sa Abril 30 sa Polyteknikong Unibersidad ng Pilipinas.



Randy T. Nobleza, Ph.D.
Associate Professor I, Island Innovation Ambassador, Island Innovation Academic Council Representative
College of Arts and Social Sciences
Marinduque State University

About Post Author

Diyaryo Milenyo Digital News

DIYARYO MILENYO is an autonomous and non-profit online media organization that reports local community events and current affairs of public interest, with both national and global relevance. Our team consists of volunteer journalists and community writers from diverse locations across the Philippines. Our primary objective is to report news and events as they unfold while adhering to journalism's highest standards and ethics. We maintain a strict stance against publishing content that attacks individuals and prioritize highlighting positive news.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
100 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %

Campus National

You May Have Missed

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading