FAITH ELI ROSE LLAVE, JERRY MAE OLIVERIA (SWK MARINDUQUE)
Boac, Marinduque ˗ Pinangunahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) kaagapay ang mga Sentro ng Wika at Kultura (SWK) sa kapuluan ang pagdiriwang ukol sa Buwan ng Panitikan na may temang Kultura ng Pagkakaisa at paksang Pagsisiyasat ng Pagkakaisa sa pammaguitan ng Panitikan na sinimula noong Abril 2 sa pagpaparangal sa ika-238 na taong kapanganakan ni Balagras.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Ang iba’t ibang SWK kasama ang Marinduque State College sa pangunguna ng direktor nitong si Dr. Ernesto Largado ay kabilang ang mga nasa paaralan at unibersidad sa Pilipinas, mga awtor, mananaliksik, at media ay nakilahok sa isinagawang serye ng lektura sa pangunguna ng KWF.
Bilang panimula ng programa, ipinahayag ni Atty. Marites Barrios-Taran ang kaniyang pambungad na mensahe na kung saan ay inilahad niya ang mga kahalagahan ng pagbabasa at maging ang epekto ng internet sa pagbaba ng bilang ng mga kabataang nagbabasa. Hinikayat rin niya ang bawat isa na gawing huwaran si Balagtas at himukin ang mga kabataan na magbasa ng iba’t ibang uri ng panitikan at mahalin ang wikang Filipino.
Ayon pa sa kaniya,“Ang pagbabasa ay isang oportunidad upang matuto, maaliw, maglakbay, sumuri, at marami pang uri ng makabuluhang karanasan. Higit sa lahat, magbasa upang umun awa, upang maging bukas ang isip sa pagbabago, sa opinion at pananaw ng iba upang bigyang puwang ang pagkakaisa.”
Ang tagapanayam sa lektura sa pagbubukas ng Buwan ng Panitikan at pagbabahagi ng kultura ng pagbabasa ay si Dr. Luis P. Gatmaitan – isang premyadong manunulat ng mga kuwentong pambata at Tagapangulo ng National Council for Children’s Television (NCCT). Sa kaniyang lektura, inilahad niya ang mga katangian ng mga kabataan na siyang dahilan kung bakit mababa ang kanilang reading comprehension, at nagbigay ng payo upang magkaroon ng hilig sa pagbabasa ang mga kabataan. Hinimok din niya ang lahat na magpatuloy sa pagbabasa.
Ilan sa kanyang mga sinabi upang hikayatin ang bawat isa, “Ang bawat manunulat ay may responsibilidad na igiya ang bawat bata at kabataan sa pagbabasa gamit ang sinulat na aklat.Upang linangin ang sarili- linangin ang kultura ng pagbabasa sa bawat indibidwal, sa pamilya, sa bawat komunidad. Isang mabisang sandata ang pagbabasa upang makaalanggwa ang ating bansa.”
Pagkatapos ng lektura ni Dr. Gatmaitan ay nagkaroon ng talakayan ang tagapanayam at mga kalahok. Ilan din sa mga naimbitahang tagapagsalita ay sina Atty. Marites Barrios-Taran at Dr. Benjamin N. Mendillo.
Sa bahagi ng MSC Sentro ng Wika at Kultura ay magkakaroon ng lunsad-zine ni May Dolis, maging ng natatanging pagtatanghal ng “Ayon kay Kid Talaba” kasama ang Union Locale, Marinduque Council for Environmental Concerns (MACEC) at Book Nook Marinduque. Bukod dito ay magkakaroon ng mga patimpalak ang MSC SWK para sa Buwan ng Panitikan ngayong Abril.