P1.7M halaga ng marijuana, nasabat sa La Trinidad Benguet
LA TRINIDAD, BENGUET — Arestado ang dalawang drug peddlers na sangkot umano sa bultuhang distribusyin ng marijuana sa Bulacan nitong Miyerkules sa isang pribadong parking lot sa Barangay Balili, bayan ng La Trinidad, Benguet, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency Central Luzon.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Nasamsam sa buy bust operation ang labinlimang kilo ng cannabis sativa (marijuana) na nagkakahalaga ng Php 1,700,000.
Kinilala ng mga awtoridad ang mga naarestong suspek na sina Marion Tinapen Asislo, 35; Amado Paycao, 40; kapwa taga Santol, La Union.
Aniya, pinaniniwalaan na ang mga naturang suspek ay sangkot sa bulk distribution ng marijuana sa Bulacan at mga karatig lalawigan sa Central Luzon.
Sa ginawang operasyon, narekober ang 14 piraso ng tape-wrapped tubes na naglalaman ng humigit-kumulang 15 kilo ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana at ang marked money na ginamit ng poseur buyer.
Ang operasyon ay magkatuwang na isinagawa ng mga operatiba sa pangunguna ng PDEA Bulacan Provincial Office at PDEA CAR.