Read Time:1 Minute, 45 Second

Ibinahagi ng isang negosyante ang kanyang tips para sa mga nagbabalak  pumasok sa isang negosyo.

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

 

Sinabi ng negosyanteng ito na madalas aniya na ang nakikita lamang sa mga negosyante ay ang sucesss story nila, ngunit hindi ang tunay na katotohanan sa isang buhay negosyante kung paano at kung gaanong katindi ang pagsasakripisyo na kanilang pinagdadaanan makamit lamang ang tagumpay nila sa pagnenegosyo.

 

Kaya naman, narito ang ipinoste ng isang negosyante sa kanyang official Facebook page.

“Tip bago ka pumasok sa Buhay Negosyante💵
Dapat handa ka ma stress.
Dapat handa ka mapuyat.
Dapat handa ka sa pagod.
Dapat madami kang Calculator.
Dapat may Notes ka specially Ballpen.
Dapat 3 Bank Account mo.
Huwag na huwag mong Ihahalo ang Personal na gastos mo sa pera ng Business mo dahil kundi sabog ang Isip mo Hahahah char👻 legit opo
Dapat Iwasan ang bisyo.
Matutong magpakumbaba.
Babaan ang Pride.
at “KUNG NEGOSYANTE KA, MAKAKARELATE KA”

“Madalas kasi nakikita lang ng karamihan YUNG SUCESS NG ISANG TAO. Na, “ay marami tong raket, marami tong pera”. My Business yan madaming pera yan.

“Hindi nila nakikita yung laki ng “PRESSURE” ,”PAGOD”, “SAKRIPISYO”, ” BATTLE MO SA SARILI MO”. Yung times na umiiyak kana lang sa pagod at Pressure. Yung hanggang madaling araw nag cocompute ka. Hanggang Gabi nag Gri-Grind ka para sa pangarap mo. Yung bawat negosyante pagkakasyahin ang maliit na kapital na hawak niya, kung pano papaikutin.. Hindi nila nakikita lahat ng Burden na nangyayari sa sarili mo at sa negosyo mo.

“Ang nakikita lang nila yung Na establish mo na Business ok na. Na kapag hindi mo sila napag bigyan akala nila madamot kana, na nagmamataas kana. Pero hindi nila alam na pinapaikot mo lang puhunan mo kaya hindi mo sila mapagbigyan. Hindi nila nakikita mga expenses sa business at sa personal mo..

“Sa Lahat ng Negosyante, Laban lang tayo ng laban para sa mga Sarili natin pangarap. Grind lang Tayo ng Grind.. Mabuhay ang Small Business 💪💪💪💪” post ni Tuts FB.

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=pfbid0kyXCruXgvjjZ74PKQRXHqNjRMbyG1hKPEGDBWt4h84aNowBcaPUj1QbBNaXLute4l&id=100083106110151&mibextid=Nif5oz

 

Photo by TUTS Batangueño (Facebook)

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post GOOD VIBES: Reporter ng GMA7, pinasalamatan ng isang Ginang sa Rosario, Cavite
Next post Tea Spilled and Truths Revealed as ADPROS Conduct Forum Against Disinformation

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: