BOOBAY, BIGLANG NAG ‘HANG’ HABANG INIINTERBYU NI TITO BOY; HANDA RIN UMANO SIYANG MAKIPAGKITA KAY ST. PETER

Read Time:1 Minute, 22 Second

Marami ang nag-alala nang mapanood sa telebisyon si Boobay nitong Huwebes, Abril 20 dahil sa bigla na lamang itong nag-hang at hindi nakapagsalita.

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

 

Marami ang naalarma nang mapanood sa telebisyon nitong Huwebes habang siya ay kinakapanayam ni Tito Boy Abunda.

 

Makikita sa mga video clip na naglabasan online kung paanong biglang nag ‘hang’ ang Kapuso host-comedian na si Boobay.

 

Dahil sa kaganapang ito ay agad namang ipinatigil ni tito Boy Abunda ang programa na Fast Talk at tinawag ang medical team.

 

Mas marami ang nangamba sa sagot ni Boobay sa tanong ni Boy na ano ang nais niyang iapela sa mga santo sa langit nang mahimasmasan siya makaraan ang ilang minuto.

 

“Kakausapin ko si St. Peter, kung may chance pa ulit, sana pabalikin mo si Mama ko dito kasi gusto ko,” ani Boobay.

 

“Kaya ako nag-artista, kasi ‘yun ang pangako ko sa kanya na sana kapag naging artista ako, isa ka sa talagang gusto ko na nandito at makikita mo ‘yung pagpapatawa ko at pagpapasaya sa mga tao,” dagdag pa niya.

 

“St. Peter, nandiyan ka ba? Wala? So, kung hindi puwede, di ako na lang ang pupunta diyan soon. Ready na ako anytime,” sabi ng komedyante.

Noong una ay inakala ni Boy na nagiging emosyonal lamang si Boobay, pero nag-alala ito nang makita na kakaiba na ang ikinikilos ng kanyang guest.

 

“But you’re okay? You’re okay, Boobay? Are you okay?” tanong ni Boy bago niya niyakap at inalalayan si Boobay.

Sa karagdagan, hindi ito ang unang beses niya (Boobay) na nag-hang. Aniya, resulta ito ng stroke niya noong 2016. ##

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Unang Pitstop ng Zine Tour, ginanap sa Tipsy Toes Café para sa Buwan ng Panitikan
Next post DTI Chief Joins Groundbreaking of Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Housing (4PH) Project

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: