Read Time:1 Minute, 42 Second

[Opinyon]

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

 

Kung iisipin, tila pinaglalaruan tayo ng National Telecommunications Commission (NTC) sa pagbibigay muli ng extension para sa mga hindi pa nakapag-register ng kani-kanilang simcard na mandatory naman sa lahat. Tanong ng bayan, bakit pinahintulutan ito ng NTC ang pagbibigay ng extension for simcard registration?

Sa pagtatala ng NTC, umabot na sa 87-M ang mga naka-rehistro na simcard ng ating mga kababayan. Ayon sa tagapagsalita ng NTC, nais umano nilang bigyang pagkakataon ang mga hindi pa nakaka rehistro ng kani-kanilang mga simcard. Kinokonsidera naman daw nila ang mga nakalimot o sadyang hindi pa magawang irehistro ang kanilang mga simcard. Aniya, wala namang nabago sa mga requirements sakabila nang dagdag na 90 days extension simcard registration.

Hindi rin maiwasan na magtaka ang taumbayan kung bakit nanggaling umano sa Justice Secretary ang decision ng simcard registration? Aniya, sinagot lang ng Justice secretary ang tanong ng taga media ukol sa usaping ito at talaga namang napag-desisyonan na ito ay i-extension.

 

Tila hindi naman ito katanggap-tanggap sa mga nakapag rehistro na ng simcard. Tila nasayang din ang nagsilipananag commercial advertisement ukol sa pagpapaalala sa publiko na huwag balewalain ang pagrehistro ng ating simcard kung saan makikita doon si Maine Mendoza at iba pang mga pagpapaalala ng NTC gamit ang online platforms.

Sana ay hindi na masundan pa ito ng isa pang extension para naman maturuan ng leksyon ang mga kababayan nating pasaway at mahilig sa last 2 minute at ang pagbabalewala nila sa ating batas at inilatag na deadline para sa simcard registration. Bilang mamamayang nagkakaisa, sana ay magkaroon tayo ng inisyatibo na ito ay huwag balewalain, hindi ito simpleng usapin, hindi rin simpleng pagpapaalala, bagkus, ito ay mahalaga at may pakinabang para maprotektahan natin ang ating personal data o identidad.

Huwag nang magpa-extension pa! Magkaroon naman sana ng pangil ang batas at polisiya na inilahad ng mga namamalakad nito at ng ating gobyerno. Hindi po tayo nag-i-scam. Hindi po tayo naglolokohan. Huwag mong balewalain ang paalalang ito, kaMilenyo.

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
100 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Tourism: A Next Powerhouse of Philippine Economy
Next post Pagbabaliktanaw są mga trahedya at inobasyon sa limang dekada ng Sakuna ng Marcopper

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: