Pagiging Queen consort ni Camilla, umani ng reaksyon

Read Time:1 Minute, 59 Second

Talaga namang trending at tinututukan hindi lamang ng mga Briton sa United Kingdom ang koronasyon kina King Charles III at Queen Consort Camilla nitong nagdaang Sabado, Mayo 6.

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

Maging ang mga kababayan nating Pilipino.

Muling binalikan ng mga netizen ang yumaong ex-wife ni King Charles III na si Princess Diana of Wales, na nasawi sa isang vehicular accident, na talaga namang sinasaksihan at naging makasaysayan sa buong mundo, lalo na ang kaniyang libing.

Tweet / Twitter

Matatandaang muntikan nang maging reyna ng UK si Princess Diana noon, subalit nagdiborsyo sila ng kaniyang asawa noong 1996.

Binalikan pa ng mga netizen ang naging panayam kay Princess Diana noon ng BBC Panorama noong 1995 kung saan nataning siya: “Do you think you will ever be queen?”

“No, I don’t.” sagot ni Princess Diana.

Nang siya’y muling tanungin ng host kung bakit “no” ang sagot niya, ito naman ang tugon ni Princess Diana, “I’d like to be the queen of people’s hearts, but I don’t see myself being the queen of this country.”

“I don’t think many people will want me to be queen, and when I say ‘people’, I mean the establishment I married into because they have decided I’m a non-starter.”

“I do things differently because I don’t go by a rule book because I lead from the heart, not the head, and albeit that’s got me into trouble in my work, I understand that. But someone’s got to go out there and love people.”

Sa mga nakalap na impormasyon, sinasabing si Queen Consort Camilla ay minsan nang tinaguriang “most hated woman in Britain” matapos na madawit sa hiwalayan nina King Charles III at Princess Diana noong 90s.

Kinikilala ang Queen consort bilang asawa  ng isang reigning king, ito ay may katumbas na social rank at status ng hari, bagama’t limitado lamang ang kaniyang kapangyarihan sa political at military powers, maliban na lamang kung magiging regent siya.

Noong nabubuhay pa si Queen Elizabeth II, sinabi nito na kung sakaling mauupo na ang anak na si Charles III bilang hari ng Britanya, ang titulong ibibigay kay Camilla ay queen consort.

Subalit, marami naman ang nagtaas ng kilay kay Camilla matapos siyang makoronahan bilang Queen consort. Mababasa ang mga komento ng mga netizen sa iba’t ibang social media platforms. ##

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post IRASAN SA CAVITE, NANGANGANIB NA MAWALA
Next post Secretary Pascual joins 22nd ASEAN Economic Community Council (AEC) Meeting in preparation for the 42nd ASEAN Summit

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: