
Super Typhoon “Mawar”, papasok sa bansa sa Biyernes o Sabado ng umaga – PAGASA
Read Time:48 Second
[Ulat Panahon]
Puspusan na ang paghahanda ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan kaugnay sa paparating na Super Typhoon na may international name na “Mawar” na inaasahang papasok sa bansa sa Biyernes ng gabi o Sabado ng madaling araw, May 27.
Sa pahayag ng NDRRMC, magsasagawa ng risk reduction assessment ngayong araw para tukuyin ang mag lugar na tatamaan ng Super Typhoon na ito na tatawagin naman sa local name na “Betty”.
Naka pre-position na rin ang mga relief goods para agad itong makarating sa mga masasalanta ng bagyo.
Maglalaan din ng designated evacuation sites ang ilang lokal na pamahalaan bilang paghahanda sa bagyo.
Nakaantabay na rin ang DPWH, PNP at iba pang ahensya ng pamahalaan sa magiging epekto ng naturang bagyo.
Ayon sa PAGASA, mababa ang tiyansa na mag-landfall ang naturang bagyo sa bansa ngunit kanila itong binabantayan. Sa kanilang pagtaya, maaring tumama ang bagyo sa Northern Luzon areas; Cagayan area, Batanes Babuyan Island. ##
About Post Author
Diyaryo Milenyo
DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.