
Stand-up Comedienne na si Jeleen, Viral sa kanyang “Tyrannosaurus Rex” joke
Viral ngayon ang isang stand-up comedienne na si Jeleen Cubillas sa kanyang “Tyrannosaurus Rex” joke na ipinoste ni Red Ollero sa Facebook nitong Mayo 17, 2023 .
Mahigit 1.3M views na ang “Tyrannosaurus Rex” joke ni Jeleen na may 4 minutes and 25 seconds ang video clip ng nasabing comedienne.
Narito ang ilan sa kanyang mga linyang ibinato;
“Hindi siya matalino pero mahilig siya sa dinosaurs. Baka nag-expect kayo. Mahilig siya sa dinosaurs and minsan habang naglalaro kami ng dinosaurs niya, naisip ko lang.
“Namalayan kaya nung mga dinosaurs na magiging extinct na sila? Namalayan kaya nila yun?
“Or was it more of like… may kumalat na sakit. Tapos nung una akala nila hanggang two weeks lang.
“Hanggang sa naging two months. Tapos naging two years. Tapos nagtaas na yung presyo ng bilihin. Tapos nagkagera.
“Siguro hindi nila namalayan, ‘no, kasi malaki ang tiwala nila sa kanilang lider.
“He’s a strong, slightly tyrannical leader! Ito si Tyrannosaurus Rex. Junior.
“Kaso biglang may dumating na asteroid! ‘Oh, no! Tyrannosaurus Rex Jr., ano pong gagawin natin?’
“‘Nasaan siya? Nasa party?’”
Sino nga ba si Jeleen Cubillas? Basahin sa link na ito;
Source: PEP.Ph