
UN experts, nanawagan ng agarang pagpapalaya kay de Lima,
“Grave disappointment!”
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Ito ang naging pahayag ng mga eksperto sa United Nations (UN) matapos tanggihan ng korte ang petisyon ng piyansa ni dating senador Leila de Lima at nanawagan ng agaran nitong paglaya.
Sa isang pahayag nitong Biyernes, Hunyo 16, iginiit ng UN na ang pagtanggi ng korte ng Pilipinas sa petisyon ni de Lima ay nagpapabagal sa kaniyang anim (6) na taong pagkakakulong kahit na binawi na ng pangunahing mga saksi ang ebidensya laban sa dating senador.
“We have long called for the immediate release of Leila de Lima,” saad ng mga eksperto.
“The decision to deny bail comes after more than six years of arbitrary detention. It is high time for the administration of President Marcos Jr. to close this case once and for all, provide compensation and other reparations, and investigate the circumstances that allowed this to happen in the first place,” dagdag nito.
Sa isa sa tatlong kaso laban kay de Lima, nauna nang tinaggap ng mga UN experts ang pagpapawalang-sa;a sa dating senador noong Pebrero 17, 2021.
Naabswelto rin ang dating senador sa ikalawang kaso noong Mayo 2023, matapos bawiin ng mga pangunahing saksi ang kanilang ebidensya. ##