LOKAL KOMENTEYTOR SA BASKETBALL, BINIGYAN NG MOTOR NG ISANG BATANG NEGOSYANTE

Read Time:1 Minute, 3 Second

Ni Sid Samaniego

ROSARIO, CAVITE: Isang lokal komenteytor sa basketball ang nasopresa ngayong araw dahil sa hindi inaasahang motor na ibinigay sa kanya ng isang negosyante. Isang segundamanong Yamaha Mio Sporty ang handog ng negosyante sa 48 anyos na lokal komenteytor.

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

Halos maluha sa tuwa sa pangyayaring ito si Albert Arenas Ernia alyas “igop”, residente ng Brgy. Kanluran ng bayan na ito. Isang lokal komenteytor sa bayan na ito.

Habang kinilala naman ang batang negosyante na si Vincent Paul, mayari ng Vince Garage.

“Madalas kong makita si Igop sa mga liga ng inter-brgy na siyang may hawak ng mikropono. Madalas nakikita ko siyang nakiki-angkas lang sa mga kakilala niyang may motor. Kaya naisip ko na bigyan siya ng motor bilang bahagi na rin ng pagdiriwang ng Father’s Day”, kwento ni Vincent Paul.

May kakaibang karisma ang boses ni Igop pagdating sa pagkokomentaryo sa basketball. Madalas siyang kinukuha sa mga paliga sa bawat barangay.

“Taos-puso ang pasasalamat ko kay Vincent Paul ng Vince Garage… Huwag sanang magbago ang pananaw niya sa pagtulong para sa mga katulad naming nangangailangan. God bless po and more power”, maluha-luhang kwento ni Igop.

Si Igop ay binabayaran lamang ng isang daang piso sa bawat laro. ##

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post VLC’s Paralegal Certification Seminar is back to Provide Comprehensive Legal Training Online
Next post DTI Secretary Pascual pushes for stronger PH-EU economic relations

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: