
Meme Vice Ganda, taos-puso ang pasasalamat sa GTV channel ng Kapuso Network; bet din mag-guest sa isang GMA show
Taos-puso ang pasasalamat ni Unkabogable Star Vice Ganda sa GMA Network at GTV channel dahil sa pagpapaunlak na maipalabas doon ang longest-running noontime show ng ABS-CBN, ang “It’s Showtime.”
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Ani Vice Ganda, naniniwala siya na ang kanilang show ay isang “gem” na kahit saan ito mailagay ay may dadampot at dadampot.
Inihayag din ni meme Vice Ganda na bet niyang makapag-guest sa isang GMA show kung papayagan siya ng management, lalo na’t nag-renew siya ng kontrata sa ABS-CBN bilang exclusive artist.
Dagdag pa ni Meme Vice na ipinagpaalam na niya ito sa ABS-CBN head Cory Vidanes ang tungkol sa bagay na ito. Aniya, sasabihin daw ito s big bosses ng Kapamilya Network at baka magawan ng paraan.
“Gusto ko lang lumabas sa programang ito. Kung uubra lang. Sana mag-guest ako sa show na ito,” ani Vice.
“Feeling ko ang daming nag-aabang no’n. Feeling ko ang daming excited. Ang dami ring mga umiikot ang pwet at curious kung puwede kaya s’yang mag-guest dun. Makakapag-guest kaya siya do’n? I-invite kaya siya doon? What if mag-meet sila?” dagdag ni Vice.
Hindi naman tinukoy ni Voce kung ano’ng show ito, pero kung sakali, posibleng “Fast Talk with Boy Abunda” ng dating Kapamilya na si Tito Boy Abunda.
Source: balita.net.ph