16-anyos na estudyante, patay matapos maipit ng jeep at tumama sa steel fence

Read Time:1 Minute, 18 Second

CAVITE — Patay ang isang estudyante matapos mabundol ng isang jeep sa Dasmariñas City Cavite kahapon, Hulyo 4.

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

 

Sa video footage na nakalap, naglalakad pauwi ang grupo ng mga estudyang ito sa may congressional road sa Dasmariñas Cavite bandang alas- 4:00 ng hapon kahapon. Ilang saglit pa ay may  humarurot na jeepney galing sa delivery area ng isang supermarket doon hanggang sumalpok sa center aisle ng kalsada at ito’y dumerecho sa kabilang lane hanggang sa sumalpok ito papunta sa 3 estudyanteng naglalakad doon.

 

Makikita rin sa CCTV ang pagsalpok ng jeepney sa steel fence kung saan nakaiwas pa ang dalawang estudyante ngunit ang isa nilang kasama ay naipit ng jeep na tumama sa steel fence.

 

 

Kinilala ang biktima na si Renz Jether Matias, 16 anyos, grade 10 student. Naisugod pa sa ospital ang biktima ngunit binawian ito ng buhay.

 

Hindi matanggap ng pamilya ng biktima ang biglaang pagkasawi ni Renz lalo pa’t ilang araw na lang ng kanyang moving up ceremony sa July 10  at marami pa itong pangarap na nais matupad.

 

Ayon din sa imbestigasyon ng pulisya, kakatapos lamang umano ng delivery ng driver at pababa na ito mula sa delivery area na nasa third floor. Nawalan ng preno ang driver nang pababa na siya galing delivery. Pinilit ng driver na ma-control ito ngunit nagtuloy-tuloy pa rin ang pagbulusok ng jeep.

Aresto naman ang driver ng jeep na si Zaldy Bago.

Samantala, itutuloy ng pamilya ang kaso na kahaharapin ng driver.

 

Video courtesy: Arnel Alcorroque/Facebook

https://fb.watch/lApywdukdP/

 

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post PBBM, Inaprubahan ang pagtanggal ng public health emergency status sa bansa – DOH
Next post Meme Vice Ganda, may hirit tungkol sa Poblacion

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: