Meme Vice Ganda, may hirit tungkol sa Poblacion

Read Time:1 Minute, 14 Second

Usap-usapan ang naging banat ni Unkabogable Star Vice Ganda sa isang episode ng “It’s Showtime” noong Hulyo 3, 2023 kung saan mapapansin na tila ‘malaman’ ang biro nito tungkol sa “Poblacion.”

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

 

Kung tutukuyin, ang ‘Poblacion’ ay isang barangay sa Makati City kung saan naganap doon ang kinasasangkutan na gulo ng komedyante-TV host na si Awra Briguela noong Hunyo 29, 2023 na naging dahilan upang makulong ito. Sa poblacion kasi ang pinangyarihan ng gulo na iyon.

 

Dahil dito, kinasuhan si Awra ng physical injuires, disobedience to authority at iba pa at pansamantalang nadetine sa presinto. Ngunit, pansamantala naman ito nakalaya matapos magpiyansa umano ng P6000.

 

Ayon naman kay Ogie Diaz, si Awra ay alaga ni Vice Ganda bilang talent manager.

 

Maibalik natin sa usaping ito kung bakit may hirit si Meme Vice. Naipasok ni Meme ang kanyang hirit dahil sa pag-chant ng co-host na si Anne Curtis, aniya na pang-Poblacion daw. Kaya naman, napansin ng mga netizen at mga manonood ng programa na para bang iritable ang tono ni Meme Vice.

 

Tila iritable daw ang tono ni Vice Ganda nang humirit ito patungkol sa Poblacion.

 

“Ang ganda. Ang ganda ng chant, pang-Poblacion,” ani Vice.

 

Dito nga napagtanto ni Anne Curtis ang tungkol sa Poblacion, napahawak na lang siya kay Meme Vice at tuloy pa rin naman ang party party ng madlang pipol.

 

“Pang-street party ‘di ba?” dagdag pa ng Unkabogable Star. ##

 

 

 

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post 16-anyos na estudyante, patay matapos maipit ng jeep at tumama sa steel fence
Next post Pascual meets Dutch companies; targets employment generation and infrastructure and startup ecosystem development

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: