Read Time:2 Minute, 17 Second
By Faisal Mantawil
MAGUINDANAO DEL NORTE — Pinangunahan ni Police Colonel Sultan Salman Haron Sapal, acting provincial director ng Maguindanao del Norte Police Provincial Office (PPO), ang ginanap na surrender ceremony ng isang miyembro ng “PPAGs” [Potential Private Armed Groups] at pagsuko ng ilang matataaa na kalibre ng mga baril noong June 19, 2023 sa municipal hall ng Buldon sa probinsya ng Maguindanao del Norte.
Ang LGU-Buldon, isa sa mga municipal component ng nasabing bagong tatag na probinsya, ay nasa ilalim ng liderato at pamamahala ni Mayor Pahmia Aratuc Manalao-Masurong.
Maalala na isa sa mga ipinangako ni Colonel Sapal ay ang pagpapaigting ng operasyon laban sa “loose firearms” at pagbuwag sa mga identified na PPAGs na nag-ooperate sa probinsya.
Ayon kay Colonel Sapal, ang mga PPAGS at mga loose firearms ay sagabal sa pagsusulong ng kaunlaran, katahimikan at kaayusan ng probinsya.
Kaya umapela ito sa lahat ng mga miyembro ng PPAGs na sumuko para sa kabutohan ng probinsya.
Kabilang sa kanyang apela ay ang panawagan nito sa mga tao na humahawak [or nagtatago] ng loose firearms na isuko ito.
Ayon kay Colonel Sapal, ang apela at panawagan nito ay suporta [or pakikiisa] ng Maguindanao del Norte PNP sa programa ng National Task Force on the Disbandment of Private Armed Groups (NTF-DPAGs).
Nagbunga ang nasabing panawagan ni Colonel Sapal dahil isang miyembro ng PPAGS ang nagdesisyong sumuko.
Noong June 19, 2023, masayang tinanggap ni Colonel Sapal ang isang “Andy Al-Samo” na miyembro ng “Samo Group,” isa sa mga nakalista na PPAGs sa probinsya.
Sa nasabing seremonya, isinuko ng nasabing armed group ang isang unit na Cal 30 Springfield Garand na may anim [6] na mga bala at (6) at isang Cal 38 na homemade revolver.
Kabilang din sa nasabing seremonya ay ang pagpresenta ng nawalang mga armas mula sa ibat-ibang mga barangay “for proper disposition.”
Bukod dito, kasabay ang iba pang mga sumukongnag presenta nawalang armas mula sa mga ibat-ibang barangay ay itinurn-over din sa yunit na ito para sa tamang disposisyon.
Kinonsidera naman ni Colonel Sapal ang pagsuko ng isang miyembro ng Samo Group at ang pag-surender nito ng ilang matataas na kalibre ng mga baril bilang isang patunay ng pagtitiwala nila sa Maguindanao del Norte PNP, sa ilalim ng kanyang pamamahala.
Maliban kay Mayor Manalao-Masurong ng LGU-Buldon, dumalo din sa nasabing seremonya ang mga miyembro ng Buldon Sangguniang Bayan [SB] at mga opisyal ng ibat-ibang mga barangay.
Kabilang din sa mga dumalo sina LTCOL SERGIO RONQUILLO III, Commanding Officer MBLT2, First Marine Brigade, PLTCOL RASHID A LINGCOB, Deputy Provincial Director for Administration, PLTCOL BASHER L ALINDO, Deputy Provincial Staff of Maguindanao del Norte PPO, PMAJ MICHAEL B TINIO, Chief of Police, Buldon Municipal Police Station. [FM]