Karen Delos Reyes, muling ‘umingay’ sa netizens nang makita sa isang event

Read Time:1 Minute, 22 Second

Tila balik-alaala sa mga netizen ang actress and commercial model na si Karen Delos Reyes nang namataang dumalo sa isang event na ginanap sa Cove Manila, Okada.

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

 

Sa isang Facebook page ng “Barbie” nitong Hulyo 3, namataan si Karen kasama ang kaniyang anak na si Gabriel Lucas na nakasuot ng tila cowboy outfit.

 

Dahil sa post na ito, tila nag-“Flashback Friday” ang netizens noong mga panahong nagtatalo sila ni Boobay sa isang TV show ng Kapuso network noon.

 

 

Mababasa sa mga comment section na tila tinutukso nila ang aktres na para bang hindi pa nakaka move-on sa nangyari noon.

 

“BARBIE DELOS SANTOS (HOY DELOS REYES!!!).”

“Si karen delos reyes po ba ito?”

“Barbie Delos Reyes ba ito?”

“Si barbie nga walang apelyido.”

“Hoi delos santos!”

 

Matatandaan na nagsimula ang umano’y panunukso kay Karen dahil sa naging engkwentro nila ni Boobay. Kung mababalikan, magkasama ang dalawa sa reality competition show na “Extra Challenge” na ipinalabas sa GMA Network kung saan naturang host si Boobay at challenger naman si Karen.

 

Nagsimula umanong mapikon si Karen kay Boobay dahil ibang apelyido ang binabanggit niya, imbes kasi na “Delos Reyes,” Delos Santos nang Delos Santos ang patuloy niyang binabanggit na apelyido ng aktres.

 

Doon na nga nagkasagutan ang dalawa at pumagitna na rin ang naroong bahagi rin ng show na si Marian Rivera.

 

Samantala, nasa mahigit 3.2K reacts at 2.5K shares ang larawang iyon ni Karen kasama ang kaniyang anak.

 

*Nakilala si Karen Delos Reyes noong una itong lumabas sa TV Commercial ng McDonalds Philippines taong 2007.

 

Source/Images: balita.net.ph

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Substandard circuit breakers ordered to be destroyed by DTI 
Next post Mga Staff na sumama sa TVJ, kakasuhan umano ng TAPE Inc., ayon sa source ni Cristy

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: