
Mga Staff na sumama sa TVJ, kakasuhan umano ng TAPE Inc., ayon sa source ni Cristy
Read Time:54 Second
Posibleng may maganap umano na demandahan sa pagitan ng TAPE Inc., at dati nitong mga empleyado.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!
Ito ay isa sa mga natalakay nina Cristy Fermin, Wendell Alvarez, at Romel Chika sa programa nilang “Showbiz Now Na!”
Sa nakalap na impormasyon, tinutukoy umanong empleyado ay ang mga staff na sumama kina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey De Leo sa pamamaalam nila sa TAPE.
“Meron ding isang kwento na nabasa ko na idedemanda raw ng TAPE Inc. ng magkakapatid na Jalosjos ang mga staff na sumama sa Tito, Vic and Joey,” ani Cristy.
“Hindi naman pupwedeng sisihin ang TVJ, hindi sila empleyado. ‘Nung umalis sila, wala naman silang sabit. Hindi sila empleyado, talents sila,” dagdag pa ni Cristy.
Sakabila nito, hindi rin maituturing na talents ang TVJ ng Media Quest sa paglipat nila ng TVJ. Co-owners din silang maituturing ng bago nilang programa na E.A.T.
Panoorin ang kabuuang talakayan sa official YouTube channel sa Showbiz Now Na!
About Post Author
Diyaryo Milenyo
DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.