
Sulu governor, BARMM at WestMinCom nagpulong para sa patuloy pagtataguyod ng kapayapaan sa Muslim autonomous region
Read Time:50 Second
BY FAISAL MANTAWIL
BARMM — Sina BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim, Sulu Governor Abdusakur Tan at WestMinCom commander Lt. General Roy Galido ay nagpulong upang magpalitan ng kanilang mga ideya para mapagtibay, mapalakas at masustina ang kasalukuyang nakalatag na mga programa at mga inisyatibo na nagsusulong ng katahimikan sa buong BARMM.
Naganap ang kanilang pagpupulong isang araw matapos ang Regional Peace and Order Council Meeting sa Sulu na ginanap noong June 11.
Si Chief Minister ay ang chairman ng RPOC [Regional Peace and Order Council].
Ayon sa report, after their meeting kaagad na pumunta ang nasabing mga opisyal sa Zamboanga City.
Sa nasabing pulong, pinuri nila Chief Minister Ebrahim at Governor Tan si General Galido sa magagandang mga nagawa nito sa pagsusulong ng katahimikan at sa kampanya kontra terorismo at lawlessness.
Nangako ang dalawang opisyal [sina Chief Minister Ebrahim at Governor Tan] na patuloy na maglalatag ng Solido at malakas na ugnayan sa AFP laban sa mga banta ng seguridad sa probinsya ng Sulu at sa buong BARMM.
About Post Author
Diyaryo Milenyo
DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.