Panawagan sa Pagdodokumento ng Wika, bukás na!

Read Time:1 Minute, 5 Second

Ano ang estado ng wikang Mamanwa?

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

Saang mga dominyo ginagamit ang wikang Kuyunon?

Bakit umuunti ang gumagamit ng wikang Irungdungan?

Paano nagagamit sa edukasyon ang wikang Hamtikanon?

 

Ilan lámang ito sa napakaraming tanong hinggil sa mga wikang katutubo ng Pilipinas na nais tugunan ng proyektong Dokumentasyon ng mga Wika at Kultura.

 

Dahil dito, inaanyayahan ang mga mananaliksik na nása larang ng Filipino, Antropolohiya, Lingguwistika, Kasaysayan, at mga kaugnay na disipilina; gayundin, ang mga tagapagsalita ng katutubong wika at kasapi ng katutubong pamayanang kultural na magsumite ng aplikasyon at panukala.

 

Ang hulíng araw ng pagsusumite ng aplikasyon at panukala ay sa 30 Oktubre 2023. Ang mapipiling mga aplikante ay pagkakalooban ng Komisyon sa Wikang Filipino ng grant na hindi bababa sa PHP300,000.00.

 

Layunin ng proyekto na masaliksik o maidokumento ang lahat ng wikang katutubo ng Pilipinas, matukoy at mabalida ang sitwasyong pangwika at pangkultura ng komunidad, at makapaglimbag ng mga manuskrito na tutugon sa kakulangan ng mga pag-aaral hinggil sa wika at kultura ng katutubong pamayanang kultural.

 

Para sa pagsusumite ng aplikasyon at panukala, i-click ang https://bit.ly/KWFdokumentasyon2024.

 

Para sa tuntunin, pormularyo ng panukala, gabay na mga tanong, iskedyul ng pagsasagawa ng proyekto, at mga wika ng Pilipinas, i-click ang https://bit.ly/KWFgrantDokumento.

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post T’nalak Festival 2023 celebration starts 
Next post Univercells to partner with PH for vaccine manufacturing projects—DTI’s Pascual

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d