
285 bagong kaso ng COVID-19, naitala ng DOH
Read Time:36 Second
Nakapagtala ng 285 bagong kaso ng Covid-19 sa bansa nitong Miyerkules, Hulyo 12, ayon sa Department of Health.
Bumaba sa 6,132 ang kabuuang bilang ng mga aktibong kaso mula sa 6,152 noong Hulyo 11, at nasa 4,168,722 ang nationwide caseload na.
Ayon pa sa ulat ng DOH, pumalo na sa 4,096,091 ang bilang ng mga gumaling sa COVID-19. Nasa 66,499 ang bilang ng mga nasawi.
Dagdag pa ng DOH, ang National Caputal Region (NCR) ang mayroong pinakamataas na bilang ng bagong kaso sa loob ng dalawang linggo (Hunyo 28 – Hulyo 12), na may kabuuang bilang na 1,003 kaso.
Sinundan ito ng Central Luzon na may 726 na kaso at Calabarzon na 565. ##
About Post Author
Diyaryo Milenyo
DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.