Bagong PAGCOR logo, patuloy na binabatikos ng netizens at mga eksperto

Read Time:1 Minute, 39 Second

Hindi pa rin tinatantanan ng mga netizen ang bagong bihis na logo ng PAGCOR sa katatapos nitong launching sa pagdiriwang ng ika- 40 taon ng ahensya na ginanap sa Marriott Hotel Manila noong Hulyo 11, Martes.

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

Sinabi ni PAGCOR Chairman and CEO Alejandro Tengco na ang bagong logo ay tumutukoy sa, “energy, inspiration, passion, and transformation” ng ahensya.

Sa isang pahayag ni Tengco, sinabi nito na, ” It symbolizes the flame that ignites change and drives progress. The logo likewise reflects a beacon which symbolizes guidance, leadership, and direction. It represents a guiding light that helps people find their way.” 

“All these taken together, our new logo reflects Pagcor’s long standing commitment of being a guiding foce that illuminates the way forward, drives transformation and development, and brings inspiration and motivation to the lives it touches,” dagdag pa ni Tengco.

Dahil sa kalat ito sa social media, hindi pa rin mapigilang matawa at magtaka ang mga netizen sa kakaiba nitong disenyo na maihahalintulad umano sa Petron, sa panabong na manok, at iba pa. May mga kumakalat di na iba’t ibang memes, at mas prisentable na disenyo.

Isa na rin sa mga naglabas ng kakat’wang logo design ay ang creator ng Tarantadong Kalbo na si Kevin Eric Raymundo.

“The design is very e-sabong (online cockfighting),” saad nito sa kanyang social media post.

Bukod sa napaka mahal nitong halaga na umabot sa mahigit P3M piso, ayon din sa mga eksperto ay hindi katanggap-tanggap ang bagong logo ng Pagcor kung susumahin.

Marami rin ang nagsasabi na walang kahirap-hirap ang bagong disenyo na logo ng Pagcor dahil kaya umano itong gawin sa mga application na hindi gagamit ng kung anu-ano pang special effects or feature. Ayon pa sa mga netizen, hindi maitatago ng logo na ito na may korapsyon na nagaganap. #RBM

 

Ano ang masasabi mo sa balitang ito, KaMilenyo?!  

 

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post 285 bagong kaso ng COVID-19, naitala ng DOH
Next post Durungawan first leg for Luzon held in Marinduque prior to Cultural Consciousness Week

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: