Malaking bahagi ng bansa, patuloy na uulanin – PAGASA

Read Time:48 Second

Patuloy na uulanin ang malaking bahagi ng bansa dahil sa pinalakas na southwest monsoon o habagatt, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Linggo, Hulyo 16.

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

Sa datos ng PAGASA kaninang madaling araw, pinalakas ang habagat ng Tropical Storm Talim, na dating kilala bilang “Dodong.”

Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Dodong nitong Sabado ng hapon, Hulyo 15.

Dahil sa pinalakas na habagat, uulanin pa rin ang malaking bahagi ng Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, at sa hilagang bahagi ng Palawan, habang may kalat-kalat na pag-ulan na mararanasan sa Metro Manila, Western Visayas, La Union, Pangasinan, Tarlac, Pampanga, Benguet, Bulacan, Batangas, Cavite at mga natitirang bahagi ng MIMAROPA.

Pauulanin din ang natitirang bahagi ng Luzon dulot ng habagat. Posible rin ang pagbaha, pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan.

Samantala, patuloy ang pagbuhos pa rin ng ulan dulot ng habagat sa malakin bahagi ng CALABARZON. ##

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
100 %
Previous post “Drag Art?” Pura Luka Vega binatikos dahil sa pambabastos sa panalangin na “Ama Namin”
Next post JOHN LOYD, NAPUTOL ANG KALIWANG PAA; TODO-KAYOD SA PAMAMASADA NG TRICYCLE

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: