JOHN LOYD, NAPUTOL ANG KALIWANG PAA; TODO-KAYOD SA PAMAMASADA NG TRICYCLE

Read Time:1 Minute, 49 Second

Ni Sid Samaniego

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

ROSARIO, CAVITE: “Tuloy lang ang laban sa buhay. Harapin ang bawat hamon at pagkakataon. Kumayod at maitaguyod ng marangal ang buhay ng aking pamilya”. Ito ang naging panuntunan sa buhay ng 26 anyos na si John Loyd Martines Valles, may asawa at isang anak.Kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Sapa 1 ng bayan na ito.

 

Ang byahe ng buhay kadalasan ay banayad at maayos, subalit kung minsan ito ay malubak at masalimuot. Ang masaklap ang byahe ng buhay ay nauuwi sa isang trahedya.

Enero 15, taong kasalukuyan, habang namamasada ng kanyang tricycle at binabaybay ang kahabaan ng Centenial Road sa bayan ng Kawit, Cavite ay naaksidente siya ng isang dump track. Na naging dahilan ng pagkakaputol ng kanyang kaliwang paa.

Limang taon bago maganap ang malagim na trahedya sa buhay ni John Loyd, masaya siyang namamasada ng tricycle na biyaheng Sapa-Epza. Madalas kasama niya ang asawang si Crisann Valles. Kumikita siya ng 500 piso hanggang 800 piso bawat araw.

Tanging sa pamamasada ng tricycle lamang niya binubuhay ang kanyang pamilya.

“Naniniwala ako sa tadhana ng buhay. Ito marahil ang libro ng aking pagkatao. Alam kong may mga dahilan kung bakit ako patuloy na naririto sa mundong ibabaw. Mahal ako ng Diyos. Tunay ngang kaybuti-buti ng ating Panginoon…”, madamdaming kwento ni John Loyd.

Hindi naging hadlang ang kawalan ng kaliwang paa ni John Loyd upang maipagpatuloy niya ang pamamasada ng tricycle. Ang kambyo na madalas makita sa kaliwang bahagi ay taliwas sa kanyang sariling tricycle. Inilagay niya ito sa kanang bahagi na nasa unahang bahagi ng preno. Sa kaparaanang ito ay tila nagiging normal lamang ang paraan ng kanyang pamamasada.

“Huwag siyang panghinaan ng loob. Huwag niyang isipin na kulang siya. Ang mahalaga ay buhay siya at nandito lamang kami na mag-ina niya”, mensahe ni Crisann Valles, asawa ni John Loyd.

Inspirasyong maituturing ang buhay ni John Loyd. Hindi niya sinukuan ang malaking dagok sa kanyang buhay. Bagkus ay lalo pa niyang pinagtibay ang hamon ng bawat pagkakataon. Ang lakas ng loob at tibay ng pangarap ang sandalan niya upang ipagpatuloy niya ang matatag at masayang pamilya.

 

Mabuhay ka, John Loyd!

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Malaking bahagi ng bansa, patuloy na uulanin – PAGASA
Next post Dagdag presyo ng petrolyo, tataas sa Martes

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: