Maharlika Fund, batas na! Pamumuhunan, walang kasiguraduhan

Read Time:2 Minute, 46 Second

Pagkahaba-haba man nang prosisyon, sa Malacañang pa rin ang desisyon.

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

“This is a sad day.” Ito ang sinabi ni Minority Floor Leader Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III, sa isang interbyu sa DWPM Radyo630 TeleRadyoSerbisyo matapos na lagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang Maharlika Investment Fund (MIF) Act of 2023 kahapon, Martes, Hulyo 18.

Tila hindi umano klaro ang pamantayan at saklaw tungkol sa Maharlika Fund na ngayon ay ganap ng batas at kung bakit ito minadaling aprubahan ni BBM kahit na ilang beses na rin ito dumaan sa mga debate, at na-call out ng mga eksperto ang usaping ito.

Ayon pa kay Sen. Pimentel, ito raw ay aksaya lamang! Hindi rin batid kung kikita ba ang bansa, kung ito nga ba ay para sa pagpapalakas ng ekonomiya, pagsasaayos ng imprastraktura, at iba pa.

Ayon pa sa mga mambabatas, masasagasaan umano ng Maharlika fund ang national budget at mababawasan ang malaking dividends ng Land bank at Development bank. Hindi rin maganda ang world situation ngayon kung mag-iinvest sa world economy. Magulo pa ang sitwasyon sa pandaigdigang kalakalan.

Sino nga ba ang makukuhang partner dito para mag-invest? Tila delikado pa raw ang investment na ito na ipapasa ang kita sa gobyerno. Mukhang hindi patas ang laban na ito para sa mamamayan.

Ang naging desisyon umano ng Marcos Administration ay tila out of nowhere. Mas agresibo ang gagawing investment ng Maharlika. Tila malaking sugal ito ng bayan!

Kung iisipin, hindi tayo tulad ng ibang bansa gaya ng Norway na may extra o annual na kinikita sa oil produce nila. Dito sa atin, ang fund ay kinukuha sa government banks. Oo! Hindi nga masama ang pag-unlad ng bansa, hindi rin masama ang mangarap para sa bayan, madali lang din ang mangopya sa ibang bansa, ngunit, applicable nga ba ito sa estado ng ating kasalukuyang ekonomiya?

Dahil pirmado na ito ni BBM, sisilipin ng ilang senador ang version na nilagdaan ng Pangulo kung tugma ba ito sa kung ano ang naging inihain doon. At kung magkaganun, kung sakaling ang version na pinirmahan ng Pangulo ay hindi dumaan sa proseso na sinabi sa konstitusyon, at kapag ang pinirmahan na version ay gumalaw, maituturing itong Fatal defect.

Sinabi ni Sec. Diokno ng Finance na walang dapat ipag-alala ang mga Pilipino at mayroon namang abundance cheques to protect the investment funds. Samakatuwid, ang pera na gagamitin dito ay ang pera ng taumbayan. Tila hindi naniniwala ang sambayanan dito dahil batid naman na ang ating gobyerno ay isa sa pinaka corrupt na bansa sa buong mundo.

Masyado kasing minadali ang Maharlika fund at tila hanggang sa dulo hindi nila alam kung ano ang gusto nilang ipunto para sa bayan. In short, hindi malinaw ang mga kinapapalooban nitong pamantayan at saklaw ng batas na ito. Paano na lang ang ordinaryong mamamayan at mga manggagawa? Nganga na lang at aasa.

Walang kasiguraduhan ang investment na ito kung babalik. Wala ring underlying asset na ating matatakbuhan para ireplenish ang Maharlika fund sa oras na ito ay magkaroon ng malaking problema. Paano ‘pag na baldado ito? Walang mapagkukunan fund! Ang ending, hindi natin kalkulado…

Maraming butas ang Maharlika fund na hindi nabibigyang linaw hanggang sa ngayon, at ito ay kailangang masolusyonan ayon na rin sa mga eksperto sa batas, ekonomista, at business groups. Mag-iinvest ba tayo sa walang kasiguraduhan? 

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post “Bagong Pilipinas” Serbisyo ayusin, ‘wag puro palit logo
Next post VICTORIAS CITY LAUNCHES PALENG-QR PH PLUS

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: