
Kauna-unahang Rajah sa lalawigan ng Rizal, isinagawa ng mga kapatid nating Muslim
Ni Ella Luci
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!
MONTALBAN, RIZAL — Nagsagawa ng Installation Ceremony ang mga kapatid nating Muslim noong Hulyo 18, 2023 na ginanap sa SBMD Masjid, Maislap, Brgy. San Isidro. Ito ay seremonya ng pagtatalaga kay Punongbayan Ronnie S. Evangelista bilang kauna-unahang Rajah sa lalawigan ng Rizal.
Ang paghihirang na ito ay ibinibigay sa mga non-Muslim na personalidad bilang pagpaparangal sa pagpapahalaga nila sa mga kapatid na Muslim. Kasabay din na hinirang bilang prinsesa ng Rizal ang maybahay ni Punongbayan Evangelista na si Jeanny T. Evangelista.
Pinangunahan naman ng Sultanate of Phangampong A Pilipinas Dawah Solidarity Inc. ang nasabing seremonya na dinaluhan naman ng Sultan ng Pilipinas na si Sultan Bob M. Datimbang.
Naroon din ang mga department head mula sa munisipyo, pulis, at mga kapatid na Muslim para saksihan ang pagtatalaga.
#InstallationCeremony #Muslim
#BagongMontalban