Ni Sid Samaniego
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!
ROSARIO, CAVITE — “Pinangarap kong maging Pari noon, kaya pinasok ko ang pagiging sakristan sa simbahan. Subalit pumihit ang ihip ng hangin sa hindi ko malamang kadahilanan. Sa ngayon ay isa na akong ganap na Pulis”.
Ito ang kwento ng buhay ni Pat. John Paul Bagayawa, isang batang Rosario na naka-assign ngayon sa Cabuyao Police Station.
Suot ang puting tela na mahaba…
Madalas magkatikom ang palad sa kanan at kaliwa…
May hawak na kalembang, pausok, krus at bibliya…
Ganito ilarawan si Pat. Bagayawa bilang sakristan noon ni Rev. Fr. Emmanuel David ng simbahan ng San Isidro Labrador Parish Church sa Brgy. Ligtong ng bayan na ito.
Nag-aral siya ng elementarya sa Bagbag Elem Sch. Nagtapos ng seködarya sa Bagbag Natl High School. Taong 2018 nagtapos ng kolehiyo sa San Sebastian College Recoletos de Cavite sa kursong BS Criminology.
Disyembre 2018 nakapasa siya sa Board Exam ng Criminology.
Para sa mga kaibigan ni Pat. Bagayawa isa siyang masayahing tao. Mahilig magpatawa at magbiro, masarap kasama at kalaro. Kaya naman, hindi mabilang ang dami ng kanyang mga kaibigan.
Aniya, may tumpak na dahilan kung bakit siya naging sakristan at pulis. Ang maglingkod sa Panginoon at maglingkod sa bayan at mamamayan ay ang kanyang sandata at kalasag para sa mga kalaban.
Mangingibabaw ang kapangyarihan ng kabutihan laban sa kasamaan. Maglilingkod ng may tapang at takot sa Diyos.
“Sa mga nagnanais maging pulis na makapasok sa serbisyo ay wag mawalang ng pagasa. Kung nakakaranas ng failure, laban lang… Dahil kasama yan sa buhay. Failure is the part of success. Huwag sumuko at makakamit mo rin ang pangarap”, mensahe ni Pat. Bagayawa.
Isa lamang ang kwento ni Paul sa mga patunay na tayo bilang tao ay punung-puno ng pagasa at pangarap sa buhay na hindi kailangang bumitaw sa bawat sulok ng pagsubok upang harapin ang minimithing tagumpay. #DM
Photos: Sid Samaniego